Hannah Nicole POV
"Tristan James, saan ka ba..........ohh!"
"The hell hot position!"
"Talagang dito nyo napiling gawin yan ah"
"Seriously, cousin?"
Natulak ko si Sir Tristan at agad na tumakbo papuntang kwarto. Nilock ko ang pinto at binagsak ang sarili ko sa kama. Nakakahiya!!!!!
Nakakahiya talaga! Nakita pa kami nila Sir Dave, nakakahiya!!
"Hannah! Bumaba ka na dyan! Don't be shy, just go with the flow!"
Sira ulo yun si Sir Matthew!!
"Wag kang magalala! Matutuloy din yan mamaya kapag umalis kami! Dumalaw lang kami para makikain! May mamaya pa naman tsaka wag kang mahiya! Paninindigan ka ni James!"
Nakakahiya ang pinagsasabi nila!!!
Umupo ako sa kama at tinignan ang teddy bear ko na nakaupo sa upuan katabi ng kama. Kinuha ko yun at niyakap. Human size sya, cute nga eh. Regalo sakin to nila Mommy nung 4th Birthday ko. Cute kaya!
Humiga ako sa kama habang yakap ang teddy bear ko at tinago ang mukha ko sa tyan nya
"Hannah, si Dave to. Baka gusto mong buksan tong pinto!"
Binalik ang teddy bear ko sa pwesto nito at umupo sa kama "Hannah, hindi ka na namin aasarin. Si James nalang aasarin namin!" sabi ni Sir Matthew
"Oo nga, si James nalang. Promise, Hannah!" sabi naman ni Sir Samuel
"Hello, Hannah. Ako si Cassandra Callix, pinsan ni Tristan. I want to talk to you kasi eh, so please open the door"
Sweet naman ng boses ni Ate.......
"Hannah Nicole, are you deaf? Open this damn door or I'll break it!"
"Takot ako ah! Sige sirain mo, hindi ka na makakapasok ng bahay ko!"
"Fine...let me in. We will talk"
Napayuko ako at napabuntong hininga. Ayoko parin
"Hannah, nangangalay na ako!" reklamo ni Sir Samuel
"Hannah, please. Open it na" yung pinsan ni Sir Tristan yun
Napabuntong hininga ako at tumayo na. Binuksan ko ang pinto at pinasok sila. Bumalik ako sa kama at humiga
Ramdam ko na may tumabi sakin, sino pa ba edi si Sir Tristan
"Wow, ang ganda pala dito sa kwarto mo. Ang laki ah, master's bedroom ba to?"
"Nasa kabilang pinto ang Master's Bedroom pero bawal pumasok dun. Ordinary lang to pero mas malaki to sa ibang ordinary room at visitor's room" sabi ko at tinignan ang ceiling
"Nag-iisang anak ka ba?" tanong ni Sir Samuel
"Oo, pero dapat dalawa kami. Magkakaroon sana ako ng baby brother kung hindi lang nag-ayaw sila Mommy. Nastress si Mommy at ang masama naginom pa kaya nalaglag si Baby Brother ko. Muntik pang mamatay si Mommy nun" sabi ko at umupo sa kama. Sumandal ako sa headboard at tinignan si Sir Tristan na nakatingin lang sakin. Nagiwas ako ng tingin at niyakap ang unan ko
"Nasan na nga pala ang parents mo?"
"Wag mo ng sagutin yun, Hannah" sabi ni Sir Dave
Tinignan ko si Miss Cassandra at ngumiti "Wala na po sila, nagkasakit then kinuha sakin" sabi ko at ngumiti
"I'm sorry" sabi nya
Tumango ako at nginitian sya. Tinignan ko sila at agad na nagiwas ng tingin "By the way, sino yang nasa picture?" tanong ni Sir Matthew at tinuro ang picture sa side table
Tinignan ko yan at napangiti "Hindi ba kami magkamukha?" tanong ko at ngumuso kagaya ng nasa picture
"You mean?......"
Tumango ako at napangiti "Grabe, ang taba mo dati" sabi nya na kinairap ko
"Pero bakit dyan hindi ka mukhang bata?"
Tinignan ko sya ng masama at binaling ang tingin sa picture ko. Kinuha ko yun at pinagmasdan "Bata pa ako nung kinuhanan ako ng picture na to. 4 years old ako, naglalaro ako sa playground ko dyan sa likod bahay, sabi ni Mommy kapag gumagawa daw ako ng sand castle lagi ko daw sinasabi na si Daddy ang prince charming ko *laughs* childish right? Well that's the truth. Kaya nga mahal ko ang parents ko ng sobra" sabi ko at binalik yun sa tamang lalagyan
"Cute mo nung bata pero maganda ka na ngayon" sabi ni Sir Samuel
"Hindi ako naniniwala, kung sayo galing lahat pambobola" sabi ko at inirapan sya
"Harsh mo naman sakin, Hannah" sabi nya at sumimangot
"First name basis, close tayo?" pagtataray ko at inirapan sya
"Bakit si Matthew? Close ba kayo?"
"Bakit tinatawag nya ba ako sa first name ko?" balik tanong ko
"Oo"
"Edi close kami" sabi ko at nginisian sya
"Eh si Dave at si Tristan? Close ba kayo?"
"Si Sir Dave matagal ko ng kilala, si Sir Tristan ano........naging close ko" sabi ko at pinaglapat ang labi ko
"Kahit girlfriend ka na nya? Sabihin mo nga, mahal mo na ba si Tristan?"
Napatingin ako kay Sir Tristan at binalik ang tingin kay Sir Samuel. Napakibit balikat ako at nagiwas ng tingin "Uyyy, may pag-asa. James, ikaw ba? Kayo na?" tanong ni Sir Samuel kay Sir Tristan
Tinignan ko si Sir Tristan at nginisian "Friends" sabi nya at ngumiti
Friends.......oo yun nga, tama friends!
Napangiti ako pero agad ding napawi "Wow! Heavy! prends kayo? May prends bang nagme-make out? Astig ang prends nyo ah! Nabalita pa kayong nahuli sa garden na nagkikiss tapos prends lang?! Ang galing!" sarkastikong sabi ni Sir Samuel
Napairap ako at tinignan si Sir Tristan. Kita ko na nakakunot ang noo nya habang nakatingin kay Sir Samuel. Tinignan ko ang malaking bintana sa kwarto na nahaharangan ng kurtina. Simula ng mamatay sila Mommy, hindi ko na binuksan yan, isa yan sa mga dahilan kung bakit gusto ko ang kwartong to, kasi nakikita ko ang magandang hugis ng buwan at mga bituin kada gabi
Binalik ko ang tingin sa kanila "Gusto nyong kumain? Nagugutom na ako eh" sabi ko at lumabas ng kwarto
Ayoko ng may pagusapan pa ng marami, tinatamad na akong magsalita
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...