Hannah Nicole POV
Napangiti ako at hinubad ang oversized t-shirt ko. Agad akong lumusob sa tubig at lumangoy
Kapayapaan! Yan lang ang kailangan ng isip ko ngayon. Inahon ko ang ulo ko at tinignan kung gano na ako kalayo sa pangpang. Tinignan ko ang langit at ginalaw ang paa ko para makabalik sa malapit sa dalampasigan
Nilaro-laro ko ang tubig at napangiti. Naaalala ko tuloy sila Mommy na kasama ko dati magswimming. Si Daddy ang nagturo sakin magswimming, hindi kasi masyadong magaling si Mommy sa swimming. Mas magaling ako sa kanya sa totoo lang
Hanggang bewang ko lang ang tubig mula dito sa kinatatayuan ko. Gusto ko tuloy pumunta sa gitna ng dagat pero sabi ni Daddy may pating dun kaya natatakot akong pumunta dun, malay mo naman totoo
Umalis na ako sa tubig at nangolekta ng shells. Gawain namin to ni Julius at Mommy, tapos ilalagay namin sa ginawa naming sand castle. Ang ganda nga tignan eh
"Hannah!"
Napalingon ako sa tumawag sakin at naglakad palapit sa kanila "White suits on you" sabi ni Miss Cassandra
"Bakit po?" tanong ko
"Kanin tayo" sabi nya
Sinuot ko ang oversized shirt ko at sumunod sa kanya. Isang oras din pala akong nakatambay sa tubig "Let's eat"
Napatingin ako sa gilid ko at umusod ng kaunti. Kumain na kami at ramdam ko ang awkward na atmosphere sa paligid
Pinaglapat ko ang labi ko at pinagpatuloy ang pagkain
"Lumangoy ka agad?" rinig kong tanong ni Sir Tristan
Tumango ako bilang sagot at tinignan ang payapang tubig. Wala syang buhay, dati kapag nandito kami buhay na buhay ang paligid kasi kasama namin ang buong pamilya. Nakakamiss din pala yun
Nang matapos ako ay uminom ako ng buko juice at tinignan sila Miss Cassandra at Sir Dave na nagkukulitan sa tubig.
Ganyan din kami nila Julius at Paolo noon. Ganun kami kaclose noon, pero nagaway sila Paolo at Julius, never na silang nagkaayos kasi hindi na bumalik si Paolo dito sa dulo ng Pervades. Tawag dito ay Francia De Amor noon, ewan ko lang ngayon. Hindi na kasi samin to
Lumusong ulit ako sa tubig at nagfloating. Ayokong lumangoy, bakit ba?Ginalaw-galaw ko ang paa ko para medyo lumayo tsaka umahon sa tubig. Umupo ako sa dalampasigan at pinanood ang pagagos ng tubig papunta sakin
Niyakap ko ang tuhod ko at tumingin sa kawalan
****
Tristan James POVTinignan ko ang nakatalikod na si Hannah sakin at umupo sa tabi nya "Are you okay?"
Umiling sya habang nakatingin sa kawalan "Aren't you happy that I bring you here?" I asked again
"Masaya, pero kulang" she said and pouted her lips
"You're family, Francia De Amor is not alive when I bought it" sabi ko na kinatingin nya sakin
"I don't want to change it's name, it will stay as Francia De Amor" I said and smiled at her
She hugged me and that makes me smile wider. I hugged her back and kiss her temple "I love you" I whispered at her ear
"Ako ang nagpangalan sa Paraiso na to" she said before letting go
"Sabi nila ang talino ko kasi nabigyan ko ng pangalan ang lugar na to. Nakapagaral ako ng Spanish and French when I was a kid, at the same time English. Napagtripan ko lang na pangalanan to ng ganun kasi trip ko lang. Ang ganda kasi dito" she said with a smile and look at me
"Thank you, Tristan kasi wala kang balak palitan ang pangalan nito" she said and gave me a smack
"Tara, swimming tayo" she said and dragged me with her
I smiled and let her dragged me towards the water
This beautiful lady is my lucky
****
Hannah Nicole POVNandito kaming lahat sa bonfire at ayun nanaman ang awkward na atmosphere
"Ahh, laro kaya tayo" sabi ni Dylan
"Ano namang lalaruin natin, jack en poy?" sarkastikong sabi ni Sir Matthew
"Hindi spin the bottle, naalala mo nung nilaro natin yun Hannah? Nagdare kami na sumisid ka sa tubig at kumuha ng corals?"
Tumango ako "Nasugatan ako nun, pano ko makakalimutan yun?" sabi ko at napayuko
"Ano game kayo?"
"Game" sangayon nila at nagform na kami ng circle na medyo malayo sa bonfire
"Okay, lahat dare ah. Walang sexual, bad yun. May bata tayo kasama" sabi ni Dylan at tinignan ako
"Eh kung ipukpok ko sayo yang bote" banta ko
"Joke lang, basta bawal sexual baka may maoffend eh" sabi nya at pinaikot na ang bote
Tumutok ang bote kay Sir Samuel na kinangisi ni Dylan. Ano kayang balak nito ni Dylan?
"Gusto ko lumangoy hanggang sa gitna ng dagat in 3 minutes at babalik ka dito sa loob ng 2 minuto" sabi ni Dylan
"Mahirap naman ata yun"
"Consequence, hahalikan mo si Dave lips to lips" sabi ni Dylan
"Bakit may consequence pa? Hindi ba pwedeng call a friend?" reklamo ni Sir Samuel
"Walang signal dito sa bahay lang" pang-aasar ni Dylan
"Sige na, dun ako sa consequence" sabi ni Sir Samuel
Seryoso ba sya?
"Matthew baby, come to girlfriend. Mwuah mwuah mwuah" sabi ni Sir Samuel habang lumalapit kay Sir Matthew
"Subukan mo, sasapakin kita pabalik sa Hemilton City" banta ni Sir Matthew
"Sorry bro" sabi ni Sir Samuel at binigyan ng smack si Sir Matthew
Napaawang ang labi ko at mahinang natawa ng halos ilublub na ni Sir Matthew ang mukha nya sa tubig
Kakaiba talaga magdare to si Dylan, puro parin kalokohan
Bumalik sila sa pwesto nila at pinaikot muli ang bote. Tumapat yun kay Sir Dave
"Teka, ayokong ikaw magdare. Si Hannah nalang" sabi ni Sir Dave
Napangiti ako at umiling "Ako ang nagde-dare kay Dylan kaya hindi pwede, gusto mo bang itry ang mga dare ni Dylan? Mahirap yun" sabi ko at nginisian sya
"Ahh sige, ikaw nalang Dylan"
"May kubo dito diba? Sige sumayaw ka sa kubo ng gorilla style at kumanta ng Anaconda ni Nicki Minaj. Consequence hindi mo pwedeng kausapin si Hannah bukas unless si Hannah ang kakausap sayo" sabi ni Dylan
"Dare ako. Hindi pwedeng hindi ko kakausapin yang kapatid ko" sabi ni Sir Dave
Napangiti ako at sumunod kami sa kanya para panoorin sya sa gagawin nya
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...