Chapter 32

1.4K 39 0
                                    

Luna/ Hannah Nicole POV

"Kaya mo bang buksan ang portal papuntang Buwan?" tanong ni Paris

Napakibit balikat ako at tinignan ang buwan "Kailangan nating makausap ulit si Uee" sabi ni Alenna

"Sasapi ulit sya kay Luna? Hindi na" sabi ni Paris

Biglang nagliwanag ang buwan na kinangiti ko. Tumayo ako at tinignan sila

"Bakit nakangiti ka dyan?" masungit na tanong ni Alenna na kinasimangot ko

"Tss. Wag na" sabi ko at nilibot ang paningin sa buong paligid

Grabe gubat pala talaga to. Sino bang matinong taong tatambay dito

Liwanag........tama!

Moon at Sun, yun ang kapangyarihan ko. Liwanag ng Araw at ang dilim ng Buwan. Pero si Arc ang Sun God, hindi ako

Umupo nalang ulit ako at tinignan apoy na humihina. Pano ko kokontrolin ang mainit na kapangyarihan ng araw? Kung ang dilim ng gabi ay madali lang dahil ang kapangyarihan ng buwan ay padilimin ang buong paligid, sa pamamagitan nun kaya kong pumatay ng ilang libong nabubuhay dahil wala silang makita na kahit ano sa dilim

Nag-aapoy ang araw kailangan ko ang tulong ni Arc para makontrol iyon. Hayst! Ang sakit sa ulo naman ng kapangyarihan na to!

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan si Paris "Anong iniisip mo?" tanong nya

Umiling ako at tinignan ulit ang apoy. Pano kung fire ang kapangyarihan ko hindi Araw? Baka nga! Pero ang apoy ay nanggaling sa mga Dragon, wala ng dragon sa panahon ngayon

Kung meron man wala na sila sa Pervades. Nasa ibang dimension na sila

Apoy........kung Apoy nga, edi madali lang. Hayst! Sana apoy pero liwanag ang nakita ko. Apoy na galing araw? Nagliliyab ang araw dahil sa sobrang init nito

Phoenix.......Phoenix ang may kakahayan na magkontrol ng Apoy. Ngunit ang mga Phoenix ay merong sariling lugar, hindi sila madaling mahuli. Mga taong ibon ang Phoenix, mabibilis at makapangyarihan

Kailangan ko ang isa sa kanila

****
Third Person POV

"Alam mo ba kung nasan sila?" tanong ni Arc

"Hindi ko masundan ang amoy ng kapatid ko" sabi ni Zen at napahawak sa ulo nya

"Ako din, wala akong masundan na amoy ni Alenna" sabi ni Arc at tila nawawalan na ng pag-asa

"Mabuti at nakaligtas tayo" sabi ni Zen

"Nakulong naman tayo" nakasimangot na sabi ni Arc

"At least, we're safe. I can make a bolt of lighting but not now, we need to rest" sabi ni Zen at humiga sa matigas na sahig

"King, kaluluwa ka nalang malamang nakakalutang ka" sabi ni Arc

"You're right but let me sleep, I'm really tired. Even a soul like me can feel tired not only living organism" sabi ng Hari at pinikit ang mata nya

"Ang anak ng isang Diyos at Diyosa ay dapat hindi pinapatulog sa sahig? Wala man lang bang kutson o kahit anong pang-sapin?" reklamo ni Arc

"Arc, we are Gods. You can make something using your power" sabi ni Zen

"Oo nga pala" sabi nito at napakamot sa ulo

****
Sa kabilang banda........

"Nagtiwala kami sa inyo" sabi ng Lolo ni Tristan na puro galos at pasa ang katawan

"Let's say na mali kayo ng pinagkatiwalaan, hahaha. The feud between Vampires and those stupid Gods and Goddesses are all planned. Naayon lahat sa plano, ngayon kailangan mapasaakin ang kapangyarihan ng Moon Goddess na yun" sabi ng Reyna ng mga Witch

"Magandang lalaki pala ang ama ni Tristan James gayun din ang Lolo, napakaganda ng lahi nyo. Gusto ko ang makapangyarihan na Tristan James na yun, hanapin sya at dalhin sakin" utos nito sa mga tauhan nya

"Konting oras nalang at mapapasakin na ang mundo" sabi ng Reyna na nagngangalang Veronica

"Wala kang puso, Veronica" sabi ng Ina ni Tristan at matalim na tinignan ang Reyna

"Mas walang puso ang asawa mo dahil hindi ka nya minahal" sabi nito na kinayuko ng ginang

"Natamaan ka? Nararapat yan sayo, kung nagsalita ka pa malamang kinitil ko ang buhay mo" sabi ng Reyna at inirapan si Janna

"Isama sila sa mga walang kwentang bilanggo!"

'Malapit na, makakapaghiganti na ako sayo kapatid ko'

****
Luna/ Hannah Nicole POV

Napamulat ako at umupo sa kinahihigaan kong kumpol ng dahon. Tumayo ako at pumunta sa malapit sa tubig. Naghilamos ako at tinignan ang sarili ko sa malinis na tubig

Umupo ako sa damuhan at nagcross legs tsaka pinikit ang mga mata ko

Concentration, Luna. Focus and Concentration. Peace and Purity

Biglang may lumabas na imahe.......

Sa isang bundok, teka.......naakyat ko na to. Bundok ng Felix. Anong meron?

Lumapit pa ang imahe at nakita ko ang mga Phoenix. Dito pala sila nagtatago, okay

Sandali, nasan na ako? Bakit sobrang dilim?

"Luna"

Si......Prinsesa Uee

Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko "Apoy na galing sa Araw, Luna. Tama ang naisip mo, yun ang kapangyarihan mo. Nasakop ang Palasyo, Luna. Kailangan nyo ng umalis, hinahanap ang kasintahan mo. Kailangan mong silang iligtas, si Zen at Arc kasama ang mga kamag-anak ng kasintahan mo ay nakakulong sa ilalim ng Palasyo. May sikretong lagusan sa hardin upang makapasok ka at mailigtas mo sila. Luna, makinig ka sakin. Kailangan mong tapusin ang lahat, isang Reyna ng mga Witch ang kalaban nyo. Malakas sya, ang salamangka nya ay kakaiba. Ikakamatay mo kaya kung maaari kailangan mong pag-aralan kung pano gamitin ang Apoy. Ang kapangyarihan ay nasa loob mo ganun din ang dilim ng Buwan. Kontrolin mo, kailangan mo ng mahabang pasensya para sa magiging guro mo, inaasahan nila ang pagpunta mo" mahabang sabi nya at biglang naghalo

Minulat ko ang mata ko at biglang lumitaw ang Orchids sa harapan ko. Napatingin ako sa likod ko at kinuha ang orchids

"Bakit mo naman ako binibigyan ng Orchids?" tanong ko

"I just want" sabi ni Tristan

Tumayo na ako at tinignan ang paligid "Nasan yung iba?" tanong ko sa kanya

"Tulog pa" sabi nya

"Tara, kailangan na nating umalis dito" sabi ko at akmang hihilain sya ng hapitin nya ang bewang ko

"I know what on your silly mind, Hannah. I can help you to control fire" sabi nya

Umiling ako at nginitian sya "Nakausap ko kanina si Prinsesa Uee. Sabi nya hinihintay ako ng mga Phoenix" sabi ko at tinap ang balikat nya

Mas hinapit nya ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa labi

My Vampire BossWhere stories live. Discover now