Luna/ Hannah Nicole POV
Hay salamat! Nakakaginhawa sa pakiramdam. Nakakaginhawa what a word?!
Nakaligo na kasi ako, refresh! Whatever!
"Ikaw siguro si Luna" sabi nung babaeng katabi kanina ni Parker
Tumango ako at ngumiti "Ikaw yung asawa ni Parker, tama?" tanong ko
"Ako si Peyton, asawa ni Parker" pakilala nya
Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako "May ipapakita ako sayo" sabi nya at hinila ako palabas
Tumigil kami sa tapat ng isang sapa. Ang ganda dito!
Ang lawak sa loob ng bundok Felix, amazing!
"Ang ganda diba? Madalas dito naglalaba ang mga mababaihan samin at etong sapang to ay lugar naming mga babae. May bantay sa labas kaya walang nakakapasok na lalaki dito" sabi nya
"Wow! It's really beautiful" sabi ko at napangiti
"Kapag umalis kayo dito sa Bundok ng Felix..........maaari bang ilihim nyo ang tungkol sa angkan namin"
Napatingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya "Nalihim ko noon, malilihim ko din ngayon. Alam kong nadamay kayo sa gera noon, hindi na mauulit yon ngayon" sabi ko
Niyakap nya ako na kinalaki ng mata ko. Agad din syang kumalas "Maraming salamat, halika na" sabi nya at hinila ulit ako
****
"Nasan tayo?" takang tanong ko
"Kanina ka pa nila hinihintay" sabi ni Peyton at tinulak ako papasok sa loob
Daming ibon dito, ano namang gagawin ko dito?
"Pumili ka"
"Ay ibon!"
Napatalon ako sa gulat at nilingon ang nagsalita "Ipagmaumanhin mo, binibini. Ako nga pala si Paul" pakilala nya
"Ako si Luna, ano bang gagawin ko dito? Baka kasi magalit yung fiance ko eh" sabi ko
"Pipili ka ng isa sa mga ibon upang maging guro mo" sabi nya
"Ahhh okay. Tapos?" tanong ko ulit
"Basta sundin mo nalang ang sinabi ko, pumili ka na" sabi nya
Nagumpisa akong maglakad palapit sa mga ibon.........
------
Halos malibot ko na ang buong silid wala akong mahanap
Napalingon ako sa ibon sa gilid ko. Ang ganda
Kinuha ko yun at napangiti. Bumalik ako kay Paul at kita ko ang pagkagulat sa mata nya ng makita sya ang ibon na hawak ko
"Magaling kang pumili, binibini" sabi nya at ngumiti sakin
"Salamat" sabi ko
Pinagbuksan nya ako ng pinto at lumabas na kami. Nanlaki ang mata ko ng makita sila Tristan kasama si Parker at Peyton
Nginitian ako ni Parker at Peyton ng makita ang ibon na hawak ko "Sya si Peter" sabi ni Peyton
Binaba ko sa isang sanga si Peter at naganyong tao ito.............wait!
"Parang may mali" sabi ko
"Ate, wala pong mali. Wag po kayong mag-alala, tuturuan ko po kayo" sabi nung bata at tinalon ako
Sinalo ko naman sya at......shet! Ang gaan ng cute na batang to
"Ang ganda nyo naman po, Ate. Ako po si Peter, anak ako ni Papa Parker at Mama Peyton" sabi nya
Napangiti ako "Ako si Luna, ang Moon Goddess. Tuturuan mo ako ah" nakangiting sabi ko
"Opo, Ate. Si Papa po ang nagturo sakin nung 3 years ako" sabi nya
"Bakit ilang taon ka na ba?" tanong ko
"Six po" sagot nya
"Ang cute mo" sabi ko at hinalikan ang pisngi nya
Binaba ko sya at sinamaan ng tingin si Parker "Lagot ka sakin mamaya" sabi ko at inirapan sya
Pati bata, tine-train ng maaga. Natatakot tuloy ako sa mangyayari baka makasunog kami
****
Nandito kami sa tabi ng sapa, hindi ito yung sapa na pinuntahan namin kanina ni Peyton. Iba to, kakaiba talaga dito sa loob ng bundok na to. Awesome!
Nagindian sit ako kagaya ng ginawa ni Peter "Pumikit ka po, Ate" utos nya
Tumango ako at pinikit ang mata ko "Isipin mo po ang mga bagay na nagpasaya sayo" sabi nya
Pumasok sa isip ko sila Mommy at Daddy, yung mga oras na kasama ko sila. Yung mga araw na nakikipagkulitan ako sa kanila. Nung graduation ko ng Elementary at Highschool. Sunod si Sir Dave, malaki ang parte nya sa buhay ko. Tinuring nya akong parang kapatid, ang saya ko nung pinag-aral nya ako at binigyan ng trabaho. At panghuli, si Tristan. Kapag kasama ko sya, kapag sobrang kulit nya. Nung naging kami at masaya kaming dalawa
Napangiti ako at minulat ang mata ko "Yehey! Nagawa nyo po, sunod na po tayo" sabi nya
Pinikit ko ulit ang mata ko at nagfocus "Isipin nyo po ang mga bagay na nagbigay sa inyo ng matinding kalungkutan"
Unang pumasok sa isip ko ay si Kevin, sya ang nagbigay sakin ng first heartbreak. Sinaktan nya ako ng makipagbreak sya sakin sa harapan ng bagong girlfriend nya noon. Sunod ay sila Mommy, nung mamatay sila. Nung makita ko kung gaano kasakit ang dinadanas nila at nung burol nila
Tumulo ang luha ko sa mata ko ngunit hindi ko pinansin yun
"Natapos nyo po, sunod na po tayo. Mga bagay po na kinatatakutan nyo"
Nung mga time na iniisip ko na mawawala na sakin sila Mommy, kapag naiisip ko yun nook feeling ko sinasaksak ang puso ko. Sunod ay natatakot ang mawala ang mga kaibigan ko sakin, baka mabaliw ako sa kaiisip na baka kung ano ng nangyari sa kanila at panghuli, si Tristan. Natatakot akong mawala sya sakin, mahal na mahal ko sya
Minulat ko ang mata ko "Tumayo po kayo, Ate" sabi nya
Tumayo na ako at nagpagpag ng short "Hinga po ng malalim ng paulit-ulit" sabi nya
Sinunod ko ang sinasabi nya hanggang sa sumenyas sya na tumigil "Sa buhay po ng tao lahat may dahilan" sabi nya at nginitian ako
"Kapag nakuha nyo po ang tamang pagkakataon, dapat pa rin pong pagisipan nyo lahat" sabi nya
Nanlaki ang mata ko ng lumabas ang apoy sa palad nya "Nakita nyo po. Lahat po kailangan nyong pagisipan" sabi nya
Humiga ako ng malalim at inisip ang mga taong parte ng malagim na nakaraan ko
Lahat ng taong iyon, pinapatawad ko na
Napatingin ako sa kamay ko at napangiti ako ng makita na may apoy ito "Yehey! Pwede na akong magtrain! Ang galing nyo po" sabi nya
Napangiti ako sa sinabi nya
Siguro nga, natapos ko na ang pagpapractice ng apoy. Kailangan ko ng tapusin lahat ng ito
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...