Hannah Nicole POV
Napatingin ako sa bintana ng kwarto ko at nakita ko dun si Grim Reaper. Umupo sya sa gilid ng kama ko "Nakapagisip ka na ba?" tanong nya
"Ayoko, hindi ako aalis dito. Hindi ako sasama sayo" sabi ko at niyakap ang unan ko
"Pano kung pilitin ka nilang sumama sakin? Anong magagawa mo?"
"Hindi parin ako aalis" sabi ko
"Kahit ang sarili mong kasintahan ang magpaalis sayo?" malamig na tanong nya
"Hindi magagawa yun ni Tristan" sabi ko
"Kaya nya, nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sayo? Bampira ang kasintahan mo" sabi nya
"Wala ng bampira o kahit anong nilalang" sabi ko
"Eh ano ako? Imahinasyon mo? Binibini, totoo ako. Isa akong Grim Reaper, Tagasundo ako ng mga taong hindi matanggap ang kanilang pagkamatay, yun ang aking trabaho at sa tingin mo nagbibiro lamang ako?"
Natigilan ako sa sinabi nya at nanghihinang sumandal sa headboard ng kama "Marami ka pang hindi alam, Binibini. Magpahinga ka na, para bukas may lakas ka. Mag-iingat ka, Binibini" sabi nya at sa isang iglap ay naglaho na sya
*tok tok tok*
Napatingin ako sa pinto at lumapit para buksan yun. Tumambad sakin ang mukha ni Salvatore
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at binuksan ang ilaw ng kwarto ko
"Maayos na sana ang lahat kung hindi ka pakilamera at sakin na dapat si James kung hindi ka humaharang sa daanan. Bakit ba masyado kang paepal?!" sigaw nya
"Ano bang sinasabi mo? Sa pagkaka-alala ko kasi kami na ni Tristan bago ka pa dumating?"
Akmang sasampalin nya ako at hawakan ko ang pamulsuhan nya at diniinan ang pagkakahawak dito "Wag mo akong subukan, Joanna Salvatore. Mukha akong anghel at inosente pero marami akong alam kung pano patumbahin ang katulad mo" sabi ko at malamig syang tinignan
"Bitawan mo ako!" sigaw nya at nagpupumiglas
Binitawan ko ang pamulsuhan nya at nginisian sya "Umalis ka na bago kita kasuhan ng trespassing" sabi ko
Bigla nya akong pinaulanan ng suntok. Napaatras ako at iniwasan ang mga suntok nya. Sinipa ko sya sa sikmura at diniin sa pader "Sabi ko sayong umalis ka na, kung may balak kang patayin ako. Sisiguraduhin kong susunod ka sa hukay ko" sabi ko at tinignan sya ng matalim
Akmang tatalikod na ako ng hilain nya ang buhok ko at ako naman ang diniin nya sa pader. Sinampal nya ako sa pisngi "Hindi mo ako kilala, Hannah Montefalcon" sabi nya
"Bukod sa paglalandi mo sa boyfriend ko, ano pa bang dapat kong malaman sayo?" pang-aasar ko at tinuhod ang sikmura nya
Napahiga sya sa sahig habang hawak ang sikmura nya "Umalis ka na, Joanna Salvatore" sabi ko
"Hannah!"
Napaangat ang tingin ko at agad na nagiwas ng tingin. Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko at nakita ko kung pano lingkisan ng lintang to ang BOYFRIEND KO!
"Sinaktan nya ako, pinapunta nya ako dito. Sinampal nya ako, sinuntok nya ako at sinipa. Huhuhu, James please help me. You're girlfriend is trying to kill me" mangiyak-ngiyak na sumbong ng linta sa boyfriend ko
"Pinapunta kita dito? Tahimik ang bahay ko at wala akong number mo para tawagan ka at papuntahin dito. Lakas din naman ng loob mo, eh in the first place ikaw ang naglakas loob na sugurin ako dito. Matutulog na ako eh" sabi ko at dumiretsyo sa computer
Pinlay ko ang nangyari kanina
"May CCTV ang bahay ko, wag mong minamaliit. Kaya bago ka magsalita ng tapos siguraduhin mo munang may pruweba ka" sabi ko at nginisian sya
"Oo, sinaktan kita pero sinong nauna? Ikaw ang sumugod so it's not my fault. Mahirap ba para sayo intindihan na pinapalayas na kita kanina pa?! Hindi naman ah! Kung umalis ka na, hindi ka aabot sa ganyan!" sigaw ko sa kanya
"Ngayon, umalis ka na bago pa tuluyang maubos ang pasensya ko" mahinahong sabi ko
Kinagat ko ang ibabang labi ko at tinignan syang umalis. Lakas ng loob na pumunta dito, napakatigas ng mukha!
Umupo ako sa kama ko at napayuko "Hannah"
Biglang may yumakap sakin "Dun ka muna sa bahay ko matulog, safe ka dun" bulong nya sa tenga ko
Umiling ako pero pinilit nya ako kaya pumayag na din ako. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako at sya. Pinikit ako ang mata ko at hinayaang makatulog ako
****
Tristan James POVI carried my girlfriend off to the car and lay her to my bed. I kiss her forehead and stared at her beautiful face. I smiled and lay beside her
Inunan ko ang ulo nya sa dibdib ko at hinaplos ang mahaba nyang buhok. May sugat sya sa labi at may pasa sa wrist nya. That woman! I want to crash her bones and kill her at the same time
Pero kanina, si Hannah. May kakaibang aura sa kanya, isang light green aura. Hindi ko mapaliwanang kung bakit
Iisang diyosa lang angmeron ganun, ang sinumpang Diyosa ng Buwan. Maybe no! Hindi, she's a human. Hindi kailan man mangyayari yun, she's not the Grim Reaper's missing sister
I wont let that happen, never!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/145205757-288-k146145.jpg)
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasiaHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...