-AFTER ONE WEEK-
Third Person POVSinuntok ng isang bampira ang kalaban nyang bampira rin at sinakal ito. Dinukot nya ang puso at tinapon na parang laruan ang katawan nito
Sinipa nya ang pasugod na bampira mula sa likod nya at tumalsik ito sa pader. Nagkaroon iyon ng malaking butas at bumagsak ang pader
Napangisi ang lalaki at nilapitan ang bampirang natitirang nakatayo "Sinong pinuno nyo?" nakakakilabot na tanong nito
"Na-napagutusan l-lang kami"
"Sinong nagutos?!" galit na tanong ng lalaki
"H-hindi ko alam"
Binagsak nya sa lupa ang lalaking bampira at sinuntok ito sa sikmura "Sinong nagutos sayo?"
"A-ang.......G-grim R-reaper!" sigaw nito
Tinayo nya ito at sinaksak gamit ang espadang lumitaw sa kamay nya. Napangisi sya at umalis na
"Grim Reaper, hahanapin kita" nakangising sabi nito
****
Hannah Nicole POVNapaupo ako sa kama at niyakap ang tuhod ko
Ilang gabi na akong nananaginip tungkol sa iba't-ibang nilalang. Sabi ni Manong Ben ay totoo sila, nabubuhay pa sila. Kakaunti nalang ang natitirang tao sa Pervades. Karamihan ay bampira na
"Hannah......."
Napalingon ako sa malaking bintana ng kwarto ko at napakapit ng mahigpit sa tuhod ko
"Hannah, wag kang matakot" sabi nya at umupo sa gilid ng kama ko
Napaatras ako ng kaunti "S-sino ka?" nauutal na tanong ko
"Ako ang Grim Reaper, ako ang nagpapakita sayo nung nakaraang linggo. Wag kang matakot sakin, hindi kita sasaktan" malamig na sabi nya
"Kilalanin mo ang totoong sarili mo, hindi magtatagal ay lalabas din ang kapangyarihan na ipinagkaloob sayo ng mga Diyos at Diyosa. Kailangan mong alagaan ang sarili mo"
Kinikilabutan ako sa boses nya, sobrang lamig at walang emosyon
"Hindi ito ang huling araw na magkikita tayo, asahan mong makikita mo ulit ako sa susunod" sabi nya at biglang naglahoNapaawang ang labi ko at humiga sa kama
Bakit sakin sya nagpapakita? Anong bang kapangyarihan ang sinasabi nya? Diyos at Diyosa? Hindi ko sya maintindihan. Grim Reaper sya, tagasunod ng mga taong mamatay na. Malapit na ba akong mamatay kaya sya nagpapakita sakin?
****
Napabuntong hininga ako at naligo na para pumasok sa trabaho. Pagkatapos ko ay dumiretsyo na ako sa kotse tsaka umalis
Wala akong ganang kumain. Hindi kasi mawala sa isip ko si Grim Reaper
Pinarada ko ang kotse ko sa parking space at dumiretsyo sa floor ng working area ko. Pumasok ako sa loob at umupo sa swivel chair
"Hannah...."
Napatingin ako sa likod ko at ngumiti "Ang aga mo, Sir" sabi ko
"You look so tired" sabi nya at lumapit sakin
"Wala to, okay lang ako" sabi ko
"Hindi ka pa siguro kumakain" sabi nya
"Pano mo nalaman?" takang tanong ko
"I just guess it, see you're not okay. Papadeliver ako ng pagkain, dapat kainin mo yun" sabi nya
"Wag na, Sir. Okay lang ako, hindi naman ako nagugutom" pagdadahilan ko
"No, you need to eat. Next time, ayokong pumapasok ka ng hindi kumain. Baka magcollapse ka, nagaalala lang ako sayo" sabi nya at hinalikan ako sa noo
"Oo na po, Sir" sabi ko at napairap
"Great, kakainin mo yun o ikaw ang kakainin ko" pagbabanta nya at tinawanan ako. Napabuntong hininga nalang ako at napairap
"Oo na po. Bumalik ka na dun" sabi ko
"Tinataboy mo ang boss mo?"
Tinignan ko sya ng masama "Bakit ba feeling ko under ako sayo?" sabi nya at napabuntong hininga
Napangisi ako at napakibit balikat. Hinalikan nya ako sa noo bago pumasok sa opisina nya
"Under ka naman talaga eh" bulong ko at napangisi
****
Dumating na yung pagkain at napabuntong hininga ako sa nakita ko. Jollibee huh?
Napangiti ako at kumain nalang "Yan kumain ka para naman may maradaman ako kapag yakap kita"
Napalingon ako sa likod ko at tinignan ng masama si Sir Tristan. Lumapit sya at umupo sa harapan ng table ko
Nginisian nya ako at kinindatan "Pero totoo yung sinabi ko na wala akong maramdaman kapag kayakap kita. Flat" sabi nya
"Hindi ako flat" sabi ko
"Yes, you are"
"No, I'm not"
"Yes, you are"
"No, I'm not"
"Yes"
"No"
"Yes"
"No"
"Yes!"
"No!"
Lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa labi. Ramdam ko ang pagngisi nya at hinalikan ako pabalik. Pinaupo nya ako sa kandungan nya at tinanggal ang coat ko
"Damn, not here" sabi nya at tumigil
"I'm not flat" sabi ko at sinuot muli ang coat ko tsaka bumalik sa upuan ko para kumain
"Fine, you're not" sabi nya at napairap
I stuck my tongue out and continue eating. Bigla kong napaisip dun sa sinabi ni Grim Reaper
Sasabihin ko kaya kay Sir Tristan? Baka kasi mag-alala sya eh, sa bahay pa nya ako patulugin
Nang matapos ako ay tinapon ko sa trash bin at plastic. Naubos ko lahat, masarap eh
Tinignan ko si Sir Tristan at uminom ng tubig "Mukhang ikaw ang may problema ah" sabi ko
"No, I don't have. By the way, pupunta ako sa Korea para sa Business Trip" sabi nya
"Hanggang kailan stay mo dun?" tanong ko
"1 week or 2 weeks kaya isasama kita" sabi nya
"Wala naman akong gagawin dun eh" sabi ko at napasimangot
"That's fine" sabi nya
"Eh, kapag wala akong ginagawa. Nabo-bored ako at wala akong pinapansin" sabi ko at napasimangot
"Isasama naman kita sa mga meetings ko kaya may gagawin ka. Sama ka na please" sabi nya at nagpuppy eyes
"Sige na, kundi lang kita......naku naku"
Kita ko ang pagngiti nya "Tuloy na natin, tapos ka naman na kumain eh. Nabitin ako" sabi nya
"Bumalik ka na nga dun!"
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasíaHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...