Luna/ Hannah Nicole POV
"Bye po, Ate Luna" sabi ni Peter at hinalikan ako sa pisngi
Binaba ko sya at niyakap si Parker "We'll see each other again" bulong ko sa kanya bago kumalas at hinalikan sya sa pisngi
"I wish not" sabi nya at mahinang natawa
Napangiti ako at niyakap din si Peyton "Thanks for being hospitable unlike your husband" sabi ko bago kumalas
"Nasanay lang ako" sabi nya
Lumapit ako kay Tristan at niyakap ang bewang nya "Thanks for your help" sabi ko
"Thank you sa panggugulo" sabi ni Parker
"Welcome" nakangising sabi ko at nagwave sa kanila
****
"So, what's our next move?" tanong ni Paris sakin
"Gusto ko munang magpahinga kahit ngayon araw lang" sabi ko
"Wala tayong balita kila Arc at King, tapos ang gusto mo magpahinga lang?!" bulyaw sakin ni Alenna
"Kung gusto mo ng bumalik ng Palasyo mauna ka na" sabi ko at tumayo na
Diretsyo ako sa kwarto namin ni Tristan, madagdagan kami eh. Si Alenna ang gumagamit ng kwarto ko dati
Naabutan ko syang nakasandal sa head board ng kama at nagbabasa. Tumabi ako sa kanya at sumandal sa dibdib nya
Ramdam ko ang paghalik nya sa noo ko at niyakap ang bewang ko "What are you planning to do?" tanong nya
"Matulog" sabi ko at hinawakan ang kamay nya na nakayakap sa bewang ko
Ramdam ko ang paghinga nya sa leeg ko at pagdampi ng labi nya dito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at humarap sa kanya
"Let's do something bad first" he said in a husky tone
"Ang landi mo, fiance" sabi ko at kinurot ang ilong nya
"I'll be bad for today, kahit gusto ko pagkatapos ng kasal natin to gawin" sabi nya at hinalikan ang tungki ng ilong ko
Kumapit ako sa batok nya "Pwede naman" sabi ko at hinila sya palapit sakin
****
Minulat ko ang mata ko at nilibot ang paningin ko sa paligid. Ala-syete na pala, 6 hours akong tulog
Naligo muna ako at nagayos ng sarili bago bumaba. Diretsyo akong kusina at naabutan ko dun si Sir Matthew, Tristan, Dylan at Paris na nagluluto
"How's your sleep?"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko si Tristan na nakatingin sakin habang nakangiti
Nagthumbs up ako sa kanya "Here, drink this"
Napatalon ako sa gulat ng makita sya sa harapan ko na may hawak na gatas. Oo nga pala, My Fiance is a Vampire. Mabilis kumilos, hindi naman sila pagong
Kinuha ko ang gatas sa kamay nya at ininom yun ng isang shot. Alak yan eh, joke!
Binaba ko ang baso ko at pinanood silang magluto. Ang sexy ng mga likod! Daming hotties dito! Inggit ang girls lalo na si Author! May kamukha ni Lee Jong Suk, merong kamukha ni Lee Min Ho, merong Park Hae Jin at Taecyeon. Ehem! Baka magselos si Fiance, sya naman ang pinakapogi sa kanila
"May audience kayo ah"
Napalingon ako sa likod ko at nakita ko sila Sir Samuel. Umupo sila sa stool at nginitian ako ni Sir Samuel
"Sa tingin mo, sinong pinakamasarap magluto sa kanila?" tanong ni Sir Samuel sakin na may ngiti sa labi, kamukha nya si Choi Min Ho
Si Sir Dave naman ay kamukha ni Ji Chang Wook, si Miss Cassandra kamukha ni Park Min Young, si Alenna kamukha ni Song Hye Kyo, si Arc kamukha ni Song Joong Ki at si Zen kamukha ni Kim Jaejoong. Daming pogi dito at ang gaganda ng mga kasama ko. Ako kasi *flip hairs* kamukha ni Han Hyo Joo! Char! Ganda ko naman
Dapat talaga una palang, pinatokhang na ako ni Author para wala ng GGSS samin. Okay walang may pake
"Let's eat" sabi nila at naglagay ng pagkain sa lamesa. Sumunod nalang ako sa kanila at umupo sa tabi ni Tristan
Tahimik akong kumain at pansin kong panay ang sulyap nila sakin
"Are you okay?"
Napatingin ako sa nagtanong at umiling "Why? Something happens?" tanong ulit ni Sir Dave
Napakibit balikat ako at sumandal sa kinauupan ko. Binaba ko ang kutsara't tinidor na hawak ko at napayuko
"Natatakot ako sa kinikilos mo, Hannah" rinig kong sabi ni Dylan
"Ewan ko ba, okay naman ako kanina" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa maubos ko ito
"Magpahinga ka na" utos sakin ni Alenna
Hindi na ako nagreklamo, dumiretsyo nalang ako sa kwarto at naghanda para sa pagtulog
Sumandal ako sa headboard ng kama at kinagat ang ibabang labi ko
"Luna......"
Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Prinsesa Uee na nakaupo sa harapan "Ang nararamdaman mo ay normal lang. Kailangan mong masinagan ng Liwanag ng Buwan pagpatak ng alas-dose. Eto ang lakas natin, ganyan din ako nung umpisa" sabi nya
Napasimangot ako na kinatawa nya "Pano ko po ba mabubuksan ang portal?" takang tanong ko sa kanya
"Madali lang, ang Buwan ay ang buhay mo. Nasa iyo kung magpapasya ka na buksan mo ang portal o hindi. Kailangan mo lang ng kontrol" sabi ni Prinsesa Uee bago maglaho
Dami nyang wisdom, yung iba hindi ko na maintindihan. Nakakasad!
Tumingin ako sa malaking orasan, 8:30 PM
Kailangan alas-dose ng gabi ay natatamaan ako ng liwanag ng Buwan
Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto. Diretsyo akong rooftop at nilibot ang paningin sa paligid. Umupo ako sa bench at pinikit ang mata ko
Napabuntong hininga nalang ako at kinagat ang ibabang labi. Tumingin ako sa mga bituin at napangiti
Bukas..........kailangan bukas tapusin ko na lahat

YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...