Hannah Nicole POV
Pumasok na ako sa conference room at tumayo katabi ang Personal Assistant ni Sir Tristan
"Sa tingin mo bakit kaya pinatawag lahat?" takang tanong ni Mr Perez (Personal Assistant)
Napakibit balikat ako at tumingin sa nagsasalita sa harapan
"Kailan pa nawawala ang 20%?"
"Sa nakita namin last week pa nawala ang 20% ng Company"
"We need to do an action to this"
"Any suggestions?"
Kabubukas lang ng bagong JS Cars at nawalan ng model sa JS Clothing Line. Pipirma ng kontrata sa Korea si Sir Tristan, sabi ni Sir Tristan magiinvest si Mr Jason Song sa JS at magbubukas ng pinagsamang JS Clothing Line at Song Clothes. Next month may bagong bukas na sa Korea na JS Cars. Mababawi din ang 20% kapag nakakuha kami ng bagong model, magsasama ang dalawang Clothing Lines at magbubukas ng bagong JS Cars kapag nakabenta kami ng marami
"Do you have an idea, Miss Montefalcon?" tanong ni Sir Tristan
Napatingin sakin ang lahat at hinihintay na magsalita ako. Napayuko ako at bumuntong hininga "Kapag nakapirma na ng kontrata sa Song Corporation at makakapagbukas ng pinagsamang Clothing Line pwedeng ang 5% ay mababawi natin. Ang bagong magiging mukha ng JS Clothing Line ay maaring magustuhan ng lahat kaya kapag nakabenta tayo ng marami sa loob ng 3 weeks mababawi natin ang mahigit 15% ng nawawalang pera. Magbubukas ang bagong JS Cars sa Korea, makakabenta tayo ng malaki kasi may bagong bukas din na JS Cars, mababawi natin ang 20% kapag nagawa natin yun ng mabilis" sabi ko at kinagat ang ibabang labi ko
"You're right but next month pa makakapagbukas ng bagong JS Cars sa Korea, do you think makakabenta agad tayo ng malaki?"
"Advertising, Commercials and Magazines ang madalas nakikita ng mga tao. Kung merong magmomodel ng mga yun, pwede tayong makabenta ng malaki" sabi ko
"Then our problem is who will be our model?"
"To think, maganda yung sinabi mo. Wala paring sense kung walang gagawa"
Tumango nalang ako at kinagat ang ibabang labi ko "Sorry po" sabi ko at pinaglaruan ang kamay ko
"You don't need to say sorry, Hannah"
Napaangat ang tingin ko kay Sir Tristan at nakita kong nakangisi sya sakin "The meeting is over, back to work" sabi nya at tumayo na
Hinila ako ni Sir Tristan pabalik sa office at pumasok kami sa loob ng opisina nya. Pinaupo nya ako sa table nya at hinalikan sa noo "You did well" sabi nya at niyakap ako
"Hindi, napahiya ako. Mali yung nasabi ko" sabi ko at napayuko
"No, that's actually right. We just need a model" sabi nya
"I call Cassandra for the JS Clothing Line and my friend for JS Cars. Problem solve. See your suggestions are great. Ikaw nalang dapat ang CEO hindi ako" sabi nya
Niyakap ko sya at binaon ang mukha ko sa dibdib nya "Thank you, Tristan. I love you" sabi ko at pinikit ang mata ko
"I love you too, by the way. Gusto mo ba akong magmodel para sa JS Cars?" tanong nya
Kumalas ako sa kanya at umiling "Ayoko, magiging busy ka masyado. CEO ka na tapos model pa, baka magkasakit ka" sabi ko at inayos ang necktie nya
"Your so sweet, Hannah. Ayoko din naman, mawawalan ako ng time sayo baka magtampo ka pa sakin" sabi nya at kinurot ang tungki ng ilong ko
"Ayokong umiyak gabi gabi kasi wala kang time para sating dalawa" nakasimangot na sabi ko
"Your reactions are different than before" sabi nya
"Red days" sabi ko at napairap
"Okay, is it hurt?" tanong nya
Umiling ako at kinurot ang pisngi nya "Patapos na din naman eh, pero mas malala ako kapag patapos na. Marami akong cravings at minsan ayaw kong kumain" sabi ko
"Okay" sabi nya at hinalikan ako sa noo
"Back to work, Hannah" sabi nya
"Opo, Sir" sabi ko at bumalik sa working place ko
****
Hindi nya sinabi sakin na ngayong gabi ang flight namin. Buti nalang mabilis akong kumilos, tsaka girls scout ako eh. Joke lang
Kinagat ko ang ibabang labi ko at sumandal sa kinauupuan ko "I heard Korea is one of the girls dream destination" sabi nya
"Kasi nandun ang mga Kpop Idols" sabi ko at napangisi
"So, ikaw din? Gusto mo din yung mga mapuputing mukhang bakla na yun?"
"Some of them pero I want to see the Jeju Island" sabi ko at napangiti
"Mahilig ka sa matubig na lugar" sabi nya at napairap
"Nagseselos ka ba?" takang tanong ko
"Sabi mo may gusto ka din sa mga mapuputing bakla na yun?! Sinong boyfriend ang hindi magseselos?!" inis na sabi nya
"Alam mo maraming gwapo sa kanila at hindi sila mga bakla. Mga talented pa" nakangising sabi ko
"Then go there and marry them" sabi nya at tinuon ang atensyon sa daan
Napangiti ako at tumigil na ang kotse nya. Nauna akong bumaba at kinuha ang maleta ko sa compartment
Hinarap ko si Sir Tristan na nakatalikod sakin at niyakap sya mula sa likod "Mas gwapo at talented ka sa kanila, wag ka magselos" sabi ko
"Tss. Dun ka sa mga baklang yun" sabi nya at tinanggal ang kamay ko sa bewang nya
Humarap sya sakin at inirapan ako. Napasimangot ako "Sorry" sabi ko at napayuko
Akmang aalis na sya ng hilain ko sya pabalik at niyakap "Sorry na po, hindi ko na uulitin" sabi ko
"You should, kundi ako papatay sa mga baklang yun" sabi nya at niyakap ako pabalik
"I love you"
"I love you too, Hannah"

YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasíaHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...