-THE NEXT DAY-
Hannah Nicole POVKailan ba ako titigilan ng mga to? Puro flash ng camera, nakakasilaw
Hindi makauwi to si Sir Tristan, tsaka parang ayaw nya naman umuwi eh
Napasimangot ako at pumunta ng kusina "Don't mind that damn reporters" sabi ni Sir Tristan na nagluluto ng Adobong Baboy
Ipagluluto nya daw ako eh, bahala sya sa buhay nya. Kapag tinatamad kasi akong magluto, kumakain nalang ako ng Noodles or nagpapaorder sa fast food. Minsan lang sa isang buwan yun kasi kadalasan si Manang ang nagluluto para sakin
Medyo spoiled din kasi ako kaya ganito, sino ba namang hindi mai-ispoiled kung paguwi mo buhay na buhay tong bahay mo? Namimiss ko na yung mga bata sa Orphanage
Tinignan ko si Sir Tristan na nagluluto na walang suot na pang-itaas tanging apron lang. Feel at home lang? Tigas din ng mukha nito
Tumayo ako at pumuntang garden para magdilig ng halaman. Napangiti ako ng makita ko ang mga bulaklak. Nagumpisa akong magdilig at napabuntong hininga, ang ganda dito
Biglang may yumakap sa bewang ko kaya agad akong napatalon
"You don't need to do that" bulong nya sa tenga ko at hinawakan ang kamay ko na may hawak na regadera
Kumalas ako sa kanya at binitawan ang regadera "Tapos ka na magluto, Sir?" tanong ko
"Quit the Sir, Tristan would be better" sabi nya at ngumiti
Lapastangan na labi nya! Masyadong sexy tignan para sakin
Nagiwas ako ng tingin at napayuko "Is there something wrong?" tanong nya
"Wala kang shirt" sabi ko at umapoy sa pula ang pisngi ko
"No need to wear my shirt, I have a masculine body" sabi nya
"May shirt ka na, Sir" nahihiyang sabi ko at tumalikod
"Sus, next time mahahawakan mo din to"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya at hinarap sya. Napaatras ang ulo ko dahil sobrang lapit nya at tinignan sya ng diretsyo sa mata
"I love you" sabi nya at hinalikan ako sa pisngi
"Mahal mo ako?"
"I love you" sabi nya at ngumiti
"Mahal mo talaga ako?"
"Of course, I love you"
"Mahal mo ako?"
"Yes. I love you so much"
"Mahal na mahal?" tanong ko ulit
"I love you very very much"
"Talaga?"
"How many times do you need to clarify my feelings for you?" tanong nya
"Maraming beses. Mahal mo talaga ako?" tanong ko ulit
Hinapit nya ang bewang ko at hinawi ang buhok na nakahara sa mukha ko "I love you so much" sabi nya
"Mahal mo talaga ako? As in?"
"Ang kulit mo" sabi nya
"Sige, inumin mo yung tubig sa Pool para masaya" sabi ko at nginisian sya
"Damn that Pool water" sabi nya at napairap
Napangiti ako at niyakap sya "Joke lang" sabi ko at natawa
"Gustong gusto mo talaga akong pinahihirapan?"
Napatingin ako sa kanya at umiling "Kiss mo ako" parang batang sabi nya at ngumuso
Umiling ulit ako at nginitian sya "Sige na, kiss mo ako" sabi nya at nagpout pa lalo
"Cute mo, Sir" sabi ko
"Kiss mo na ako, please. Smack lang" sabi nya
Umiling ako at nginitian sya "Hannah, please" sabi nya at kinagat ang ibabang labi nya
Kinurot ko ang pisngi nya at hinalikan sa pisngi "Tara na" sabi ko at pilit na kumawala sa kanya
"Kiss me, Hannah" sabi nya at ngumisi
Umiling ako at binelatan sya "No" sabi ko at nginisian sya
"Ayaw mo?"
"Ayoko"
"Ayaw mo talaga?"
"Ayoko" sabi ko at pinandilatan sya
"Then I'll be the one who will do it" sabi nya at hinalikan ako sa labi
Napangiti ako at hinalikan sya pabalik. Rinig ko ang flash ng camera sa paligid at ingay ng mga tao. Tumigil sya at pinagdikit ang noo namin
Tinago ko ang mukha ko sa dibdib nya at binuhat nya ako papasok ng bahay. Nakakahiya!!!
****
Kanina pa ako dito sa kwarto, hindi ko nga pinapasok si Sir Tristan eh. Nahihiya talaga ako!!
Bukas pa yung TV edi naririnig ko yung balita. Bakit kasi nauso pa ang reporters eh!! Nakakahiya!
Niyakap ko ang unan ko at pinatay ang TV. Hinawakan ko ang pisngi ko at ramdam ko na sobrang init ng pisngi ko
Sumandal ako headboard ng kama at napasimangot "Hannah, walang mangyayari kung hindi ka lalabas dyan"
Ayoko din naman na may mangyari......
"Open this goddamn door, Hannah!"
Napapitlag ako ng kalabungin nya ang pinto at tumayo para buksan yun. Nakita ko ang pagngiti nya at pumasok sa loob ng kwarto ko "Are you okay?" tanong nya
"Okay ba yung pinaguusapan ka ng buong bayan? Nakakahiya kaya" sabi ko at umupo sa kama
"Don't mind them" sabi nya
"Don't mind them nanaman?! Tapos magmumukmok nanaman ako dito sa kwarto ko kasi pinaguusapan parin tayo? Kailangan ba nila tayo titigilan? Kapag nakita ko talaga yang letseng babae na yun, kakalbuhin ko sya!" asar na sabi ko at sinuntok ang unan ko
"Sinong babae?" takang tanong nya
"Sino pa ba edi yung Aila Joson na yun. Kung hindi sya nagdemanda edi sana tahimik tayong dalawa ngayon" sabi ko at napasimangot
"Sorry"
Napatingin ako kay Sir Tristan "Kung hindi ko sana sinabing girlfriend kita edi sana walang mangyayaring ganito" sabi nya
"Ikaw ba nagdemanda? Hindi naman diba? Shunga shunga lang talaga yung babaeng yun at napagkamalan akong bata" sabi ko at napairap
"No. This is my entire fault, If I didn't say......."
"Stop" sabi ko para itigil nya ang sinasabi nya at lumapit ako sa kanya
"Okay lang na sinabi mong girlfriend mo ako. Wag mong sisihin ang sarili mo, Sir" sabi ko
"No, Hannah. This is my fault" sabi nya
"Wala kang kasalanan" sabi ko at ngumiti sa kanya
Napatitig sya sakin at niyakap ako "I'm sorry" sabi nya
"Don't be sorry, Tristan. Minsan sa buhay, yung hindi mo inaasahan ay sya ding magdadala sayo sa kapahamakan. Kaya hindi ikaw ang may kasalanan" sabi ko at kumalas sa kanya
"Don't blame yourself, Tristan"
Kita kong ngumiti sya at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako sa ginawa nya at kumapit ng mahigpit sa damit nya
"I love you, Hannah" bulong nya at niyakap ulit ako

YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...