Third Person POV
"Where the f*cking hell is my girlfriend?!" sigaw ni Tristan at pinagbabato ang gamit sa kanyang opisina
"Sorry, boss. Wala kaming napansin na kumuha kay Miss Hannah" lakas loob na sabi ng tauhan ni Tristan
"Yang paninigarilyo mo namementain mo then yung simpleng pagbantay sa girlfriend ko?! Hindi mo magawa! Find my girlfriend, wag kang babalik dito na hindi dala ang girlfriend ko or else......I'l kill your family in front of you" galit na sabi ni Tristan at pumula ang kanyang mata at lumabas ang pangil
"Dude chill, baka nandyan lang si Hannah" sabi ni Dylan
"No, she might be in danger" sabi ni Tristan
"Hindi naman aalis si Hannah ng walang paalam, I know her" sabi ni Dave
"Not that much, Dave. Sometimes kapag naiinis sya bigla nalang syang mawawala" sabi ni Dylan
"Na nalaglag ang folder sa sahig? My girlfriend is not irresponsible" sabi ni Tristan
"We will help, come on let's find that little kid" sabi ni Samuel at tumayo na
****
Sa kabilang banda........"Ano bang ginagawa ko dito?" tanong ni Hannah sa Grim Reaper na kaharap nya
"Luna" sabi ng Grim Reaper at niyakap si Hannah
"Teka, ako si Hannah. Hindi Luna, Grim Reaper" sabi ni Hannah at pilit na tinutulak ang Grim Reaper hanggang sa sumuko sya at binagsak ang magkabilang balikat
"Luna, I missed you so much" sabi ng Grim Reaper at hinalikan ang tuktok ng ulo ng kapatid
Kumalas ang Grim Reaper at umupo sa harapan nito "Siguro hindi mo na ako naaalala dahil bata ka pang nang magkahiwalay tayo. Namatay ang magulang natin at tayong dalawa nalang ang natira. Sa hindi na inaasahang pangyayari, namatay ako at napunta ka sa isang mabuting pamilya. Luna, hinanap kita hanggang sa makita kita sa kamay nila. Simula pagkabata mo, binabantayan kita mula sa malayo. Hanggang sa mapalapit ka sa bampirang yun, ang mga Smith ang mahigpit na kalaban naming mga Grim Reaper dahil pinipigilan nila ang bawat taong hindi tanggap ang pagkamatay nila. Kinukuha nila ang mga katawan nito at bubuhayin muli na dapat payapa na. Ang iba na gusto ng mamatay sa tahimik ay magpapakamatay ngunit hindi na sa langit mapupunta....."
Ngumiti ang Grim Reaper kay Hannah at napayuko "Natakot ako nung magkaroon kayo ng relasyon, natatakot ako baka ilayo ka nya sakin. Ayoko ng mangyari ulit yun. May naging kasintahan dati si Smith akala nya ito na ang tamang babae sa kanya ngunit nagkamali sya. Nagtaksil sa kanya ang babaeng iyon at hiniwalayan sya. Natatakot ako na mangyari ang ganung bagay sa inyong dalawa" sabi ng Grim Reaper
"Bakit mo ba sinasabi sakin lahat ng to? Sa tingin mo paniniwalaan ko na kapatid kita?" nakakunot noong tanong ni Hannah
"Luna, hindi ka man maniwala ngunit totoo ang aking sinasabi. Kapatid kita at wala talagang anak ang umaampon sayo. Ako mismo ang nagsundo sa kanila nung mamatay silang dalawa, nagpakita ako sa inyong tatlo bago ko sila kunin ng sumikat ang araw. Pinroseso ko lahat ng mga nangyari sa buhay mo, akala ko nakaayon lahat sa plano ko pero nagbago ang ihip ng hangin at nagparamdam na ang Diyosa ng Buwan. Ayon sa sinabi ng Ermitanyo sa mismong araw ng pagpaparamdam ng Diyosa ng Buwan dapat nabawi ka na namin. At ngayong nabawi na kita, wala ng papayag na makawala ka. Kailangan na ang itinakda para sa pagbasbas sayo bilang bagong Diyosa ng Buwan. Pinangak na may mabuting puso at magandang kalooban. Kaya mukhang sobrang bata ng itsura mo dahil yan ang gusto ng Diyosa ng Buwan, binuo ka sa sinapuunan ni Ina dahil sa Diyosa ng Buwan. Hiniling nila na magkaroon ng anak na babae at ikaw ang kinalabasan" sabi ng Grim Reaper na seryosong nakatingin kay Hannah
"Luna, yun ang totoo mong pangalan. Ako mismo ang nagpangalan sayo nun, dahil namatay sila nung ipanganak ka, nagumpisa ang pagsalakay ng mga walang pusong bampira sa bayan natin noon. Namatay sila Ina at namatay ako, may kumuha sayo mula sakin bago ako tuluyang malagutan ng hininga" pagpapatuloy ng Grim Reaper at hinaplos ang mahabang buhok ni Hannah
"Sa sobrang pagiingat ng mga ibang Diyosa sayo, kahit sila ay binabantayan ka. Ikaw lang ang natatanging tao na magiging Diyosa lahat sila ay anak ng ibang Diyos at Diyosa"
Nanghina si Hannah sa narinig nya at napayuko "Hindi......hindi. Pano sila Sir Dave, Dylan, Miss Cassandra? Pano si Tristan?" umiiyak na sabi ng dalaga at niyakap ang tuhod
"Ibibigay ko sayo ang buong araw bukas para makasama sila, wag mong sasabihin sa kanila ang tungkol sa pinagusapan natin. Kapatid ko, mahal kita at kailangan bumalik ka" sabi ng Grim Reaper at niyakap si Hannah
****
Sorry po, short update. Reveal na mga teh
Konting kembot nalang matatapos na to, char. Kapag sinipag ako, papahabain ko. Kapag hindi, edi tinamad ako
Hirap po kayang magsulat ng fantasy, lutong lutong ung utak ko eh
Lovelotz
-clazore_love
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...