Luna/ Hannah Nicole POV
Mas hinapit nya ako palapit sa kanya at hinalikan ako sa labi. Kumapit ako sa braso nya at tumugon sa halik
"Ehem! Hanggang dito ba naman, mahal na mahal nyo talaga ang isa't-isa"
Bigla kong natulak si Tristan at tinignan ang tubig "Ano? Feeling walang nangyari? Teenager kayo? Lakas maka-PBB Teens ah"
Boses palang alam kong si Dylan. Napairap nalang ako at hinarap sila
"Mag-ayos na kayo, bilisan nyo. May naghahanap satin" sabi ko at tinignan ang orchids na hawak ko
Napatingin ako kay Tristan at inamoy ang orchids. Eto kasi ang unang bulaklak na binigay nya sakin. Si Kevin dati, puro roses at minsan pa si Dad sobrang sama ng aura kapag nandyan si Kevin, ayaw nya kasi akong masaktan kaya mahigpit talaga sya
Nagiwas ako ng tingin at hinanap si Paris. Nasan ang walang hiyang madaldal na yun
Bumalik ako sa pinagtulugan namin at nakita ko syang tulog pa. Ang Sea God na to, napakatamad talaga
Hinipan ko ang tenga nya at tinampal ang noo
"Aray ko!"
"Bumangon ka na dyan" sabi ko at tinapik ng malakas ang balikat ko
"Alam mo ba na wala pang nakakasakit sakin! Anak ako ng makapangyarihang Diyos at Diyosa at wala pang nakakasakit sakin!" bulyaw nya sakin
Tinignan ko sya ng masama at pinadilim ang paligid "Uyyy, Luna. Joke lang!"
Naglaho ang dilim at nginitian ko sya "Bumangon ka na kung ayaw mong atakihin pa kita" banta ko at hinila sya
"Sungit mo talaga" sabi nya
"Hindi ah, short tempered lang. Bilisan mo, kung anak ka ng makapangyarihan. Tinakda ako para saktan ka ng pisikal" sabi ko at tinulak sya
"Pasalamat ka....."
"Ano?" masungit na tanong ko
"Wala. Ganda ng orchids mo" sabi nya
Akmang babasain nya ako ng tubig ng padilimin ko ulit ang paligid "Joke lang, Luna. Eto na oh bibilisan ko na"
Napangiti ako at kinalma ang sarili ko "Wow! That's what you call a power" rinig kong sabi ni Sir Dave
"Palapit na sila, tara na" sabi ko at nauna na sa kanila
Kabisado ko ang gubat, eto yung gubat sa likod ng bahay nila Kuya Julius. Kailangan naming magmadali
Malapit lapit ang Bundok ng Felix dito, kailangan naming bilisan para hindi kami abutan
****
-AFTER 3 HOURS-
"Malayo pa ba?" tanong ni Paris sakin
"Bakit hindi mo itanong sa pinagmamalaki mong sarili?" pamimilosopo ko at tumigil sa harapan ng bundok
"Don't tell me aakyatin natin yan" sabi ni Miss Cassandra
"Hindi na. Masyadong mareklamo yang hinayupak na yan eh, ako nalang" sabi ko at napairap
"Magpahinga ka muna, bukas sabay-sabay tayong aakyat" sabi ni Alenna
"Let's sleep first, I'm tired and hungry" sabi ni Miss Cassandra at umunan sa dibdib ni Sir Dave
Napairap nalang ako at binalik ang tingin sa Bundok. Nung inakyat ko to kasama ko sila Kuya Julius at Paolo at mga ibang hikers. May Assistants din, ngayon. Kami lang, pano ko aakyatin to ng walang support. Sabi ni Dad, ang totoong hiker. Hindi sumusuko, edi hindi ako susuko!
Tibay ng fighting spirit ko diba? Pasensya na, dumaldal talaga ako. Siguro nagsabog ng kadaldalan ang langit at sinalo ko lahat kaya naging ganito
Umupo ako sa batuhan at tinignan sila "Kaya mo bang gumawa ng tubig?" tanong ko kay Paris
"Syempre naman, lahat ng bagay sa paligid natin may tubig" sabi ni Paris at hinawakan ang isang puno
Biglang iyong natuyo at nawalan ng buhay "Eto na" sabi nya
Kumuha sila ng mga sanga at nagsimulang ikiskis. Kinalma ko ang sarili ko at bumuga ng hangin ng paulit-ulit
Biglang nagapoy ang pinagsama-samang sanga at nagiwas nalang ako ng tingin
"Fire is your other power huh? Interesting" sabi ni Alenna na gumagawa ng paglalagyan ng tubig at nginisian ako
"Tss. Wala paring kwenta, hindi ko makontrol" sabi ko
"At least, alam na natin ngayon. Maybe that's why we're here" sabi nya
Tumango ako at napayuko "Nandito ang mga Phoenix"
"May narinig ata ako......."
Napalingon ako sa harapan ko at nakita ko ang lalaking may pulang buhok "Ah, ang bagong Moon Goddess. Kamusta, Luna? Naaalala mo pa ba ako?" tanong nya at lumapit sakin. Lumuhod sya at nilapit ang mukha sakin
"Distance please, she's mine"
Napalayo naman sya at ngumiti "Di bale, natatandaan mo ba ako?" tanong nya ulit
Pinagmasdan ko sya at dahan dahang napailing "Sa bagay, bata ka pa ng mahulog ka sa isang patibog namin"
Napatingin ako sa kanya at napangiti "Parker"
"Ako nga, Luna" sabi nya
Niyakap ko sya at agad ding kumalas. Nandyan si Boyfie, seloso yun
"Mabuti naman at natandaan mo ako" sabi nya
"Sa nakikita ko ikaw ang bagong pinuno ng angkan nyo" sabi ko
"Ganun na nga. May anak na ako at magandang asawa. Kahit nangako akong pakakasalan kita" sabi nya na kinatawa ko
Umupo sya sa tabi ko "Wala ka paring pinagbago makalipas ang labing-anim na taon, maganda ka parin" sabi nya
Napairap ako at napailing "Bolero ka parin, alam mo hindi na ako magtataka na puring-puri yung asawa mo sayo" sabi ko
"Totoo ang sinasabi ko, Luna" sabi nya
"Ikaw nga pala yung unang tumawag sakin ng Luna" sabi ko at napangiti
"Kinagagalak kong malaman iyon" sabi nya
"Sira-ulo"
"Ehem! Epal alert. Ehem!"
Napatingin ako sa paligid at awkward na napangiti "Kilala ko silang lahat, Luna. Sya ang kasintahan mo, ang dati mong boss, pinsan ng kasintahan mo, mga kaibigan nya, dati mong kasintahan, kaibingan mo at ang Diyos ng Karagatan at Diyosa ng Kapaligiran" sabi nya
"Kinabisado mo talaga lahat ah" sabi ko at napailing
"Nais ko pa sanang makakwentuhan ka ngunit hinahanap na ako. Babalikan ko kayo bukas" sabi nya
Tumango ako at ngumiti "Kinagagalak kong makita ka ulit, Binibining Luna" sabi nya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko
"Sige na, lumayas ka na. Bolero ka" sabi ko at binawi ang kamay ko
Nginitian nya kaming lahat bago umalis "Puro lalaking lahat ng kilala mo no?" sabi ni Dylan
Napairap nalang ako at yumuko "Ewan ko din kung bakit" sabi ko
"Tss. Nonsense" sabi ni Tristan at pinikit ang mata nya
Nagselos ata
****
A/N
Eto na pagbibigyan ko na sila, gagawa na ako moments nila. Nakakamiss!
Moment ng TrisHan. Bago yan, bagong imbento. Sira-ulo ako eh
Sige na, hihimlay na ako para makapagsulat ulit. Kakahiya baka naghihintay ang mga characters ko
Sumainyo ang kagandahan, kagwapuhan, kalusugan, kabaitan at lahat ng may AN sa dulo. Loveyah all! Mwuah mwuah!
Lovelotz
-clazore_love
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...
