A/N: Iisang tao lang si Hannah at Luna, wag pong malito. Tinatawag ko syang Luna or Hannah, magkatunog naman eh. Okay lang yan, wag lang kayong malito
-clazore_love
****
Luna/ Hannah Nicole POVAno nanaman bang ginagawa namin dito?! Nandito si Paris, sabi nya sasalubungin nya daw ako. Nasan na sya?
Nakasimangot na bumaba ako ng van at tinanaw ang gitna ng tubig. Napangiti ako at kumaway
"Luna!!!"
sigaw nya at mabilis na pumunta sa direksyon ko
Tumakbo ako papunta sa tubig at sinalubong sya ng yakap "I miss you, Luna. Tatlong araw kang mawala"
Ramdam ko ang pagangat ko at binaba nya din ako. Hinalikan nya ako sa tungki ng ilong at ginulo ang buhok ko
"Paris, parang gusto kong umuwi sa Palasyo" sabi ko sa kanya
"Ayoko dun, nasasakal ako sa kanila. Daming sermon" reklamo nya
Niyakap ko ang bewang nya "Sus, ayaw mo dun kasi panay ang ayaw nyo ni Arc" sabi ko
"Ayaw mo din naman dun kasi nandun si Zen" sabi nya
"Bati na kami" sabi ko at binelatan sya
Kinurot nya ang tungki ng ilong ko "I'm glad to see you here, wag kang mag-alala sa susunod topless ako para makita mo ang hot na body ko" sabi nya
Kinurot ko ang tagiliran nya at kumalas sa kanya "Baka lunurin kita" banta nya
"Subukan mo lang, hindi ka na sisikatan ng buwan" banta ko din at nginisian sya
Nakita ko na may bola na ng tubig sa kamay nya at nilaro-laro nya to "Bumalik ka na nga dun, kakausapin kita mamaya" pagtataboy ko sa kanya
"Matapos ng lahat ng pinagsamahan natin.......gaganyanin mo lang ako. Wala kang kwenta, girlfriend" sabi nya
Sinipa ko ang binti nya "Girlfriend mo mukha mo"
"Sadista ka naman, crush. Pasalamat ka crush kita" sabi nya at kinindatan ako
"Ewan ko sayo, dami mong alam" sabi ko at binatukan sya
Kita ko ang gulat sa mukha nya "Alam mo bang hindi ako binatukan ni Grace tapos ikaw binatukan mo ang Diyos ng Karagatan?" gulat na sabi nya
"At least, buena mano ko na yang ulo mo. Sige na, lumayas ka na" sabi ko at inirapan sya
"Sus, namiss ko nga ako eh. Crush, kiss mo ako" sabi nya at ngumusong parang bata
Pinitik ko ang labi nya at hinalikan sya sa pisngi "Ayy, kuripot. Pisngi lang" sabi nya at sumimangot
"Gusto mo sapak" banta ko
"Kundi ka lang maganda, crush. Kanina pa talaga kita nilunod" sabi nya at umalis na bago ako makapagsalita
Napangiti ako at biglang dumilim ang langit. Bumagsak ang ngiti ako at bumuhos ang ulan
Mabilis na nabasa ang buong katawan ko at napayuko nalang. Humarap ako sa likod ko at nakita ko si Tristan na masama ang tingin sakin
"Who is that mother f*cker?!" galit na sigaw nya at biglang kumulog
"Ano bang kinagagalit mo, Mr Smith? Kaibigan ko lang naman sya ah" sabi ko
"May kaibigan bang kung magdikit parang ayaw ng magkahiwalay?!" inis na sabi nya
"Kami ang pinakaclose na magkaibigan eh" sabi ko
Inirapan nya ako at sinandal sa van "Remember this, you're mine. Only mine, Hannah" mariing sabi nya
"I'm nobody's property, Mr Smith. May fiance ka diba? Bakit hindi ka dun sa kanya maging ganito?" asar na sabi ko
"Hindi mo ba talaga ako maalala, Hannah?"
Biglang nadurog ang puso ko ng marinig ko ang sakit sa boses nya "Mr Smith, naaalala ko lahat. Boss kita at Secretary mo lang ako" sabi ko
"Hannah, I'm your boyfriend. It's me Tristan" sabi nya
Nilabanan ko ang pagkirot ng puso ko "Wala akong boyfriend, Mr Smith. Ang alam ko lang may ex-boyfriend ako, si Kevin" sabi ko at tumakbo papuntang rest house
Inabutan ako ng towel ni Miss Cassandra. Binalot ko yung sa sarili ko at niyakap sya "Namiss kita, Hannah" bulong nya sa tenga ko
"Ako din po, Miss Cassandra" sabi ko at kumalas sa kanya
"Kapatid ko!" sigaw ng OA kong Boss dati
Niyakap ko din sya at hinalikan sa pisngi "Kuya ko" pang-aasar ko at agad na kumalas sa kanya
"Hindi mo ako Kuya, hindi pa ako matanda" sabi nya
Natawa ako sa sinabi nya at naghi kay Sir Samuel at Sir Matthew "Best friend!"
Tinignan ko si Dylan at inirapan "Dun ka nga" pagtataboy ko sa kanya
"Bestfriend naman" reklamo nya at niyakap ako
Napangiti ako at agad na kumalas sa kanya "Namiss kita, Dylan" sabi ko
Kita kong ngumiti sakin si Kevin na kinangiti ko din. Bigla nya akong hinila para yakapin
Niyakap ko sya pabalik. Like before, I still feel safe in his arms
Kumalas ako sa kanya at hinalikan nya ako sa tuktok ng ulo. Napapikit ako at agad ding minulat ang mata ko
"Hmmmm. Close na ulit kayo?"
Napalingon kami sa likod. Inakbayan ako ni Kevin at nginitian "Syempre, pwede naman kaming maging friends kahit ex ko sya" sabi ni Kevin at tumango lang ako bilang pagsang-ayon
"No hard feelings" sabi ko
"Pero ganyan din ang itsura nyo nung kayo pa eh" sabi ni Sir Dave
"Hindi ah, close friends diba?"
Tinanggal ko ang braso ni Kevin sa balikat ko at niyakap ang sarili ko. Nandun pa yung bag ko sa van
Pumasok si Tristan at inabutan din sya ni Miss Cassandra ng towel. Tinignan ko ang pagpatak ng ulan sa bintana
"May naalala ka nanaman"
Napalingon ako kay Sir Dave at tumango
"Ano yun? Share naman" sabi ni Sir Samuel
"Nung nagdate kami ni Kevin tapos biglang umulan. Nasayang yung effort nya nun pero masaya parin ako kasi nageffort sya para sa anniversary namin. Diba Kevin?"
Tumango lang sya "Naalala ko pa nun, gulat na gulat kasi akala mo nakalimutan mo. Nagcelebrate tuloy tayo sa bahay" sabi nya at ngumiti
"Meron pa, nung time na nage-exercise kami sa field. Sobrang lakas ng ulan, muntik na akong lagnatin nun" sabi ko
Nung libing nila Dad. Umupo ako sa arm rest ng couch at napahalumbaba
"Ano pa?"
"Ayoko na magkwento" sabi ko at napaiwas ng tingin
"Let them go" yun ang sabi sakin ni Zen. Siraulo din yung kapatid ko na yun eh
YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...