Third Person POV
Pumasok si Paris sa kwarto ni Luna at umupo sa gilid ng kama nito. Si Paris, ang Diyos ng Karagatan. Sya lamang ang nakakalabas pasok sa kwarto ni Luna sa isang linggo'ng pananatili nito sa loob ng kwarto
"Wala ka ba talagang balak lumabas? Kung magkukulong ka dito sa kwartong to baka isipin ng lahat suplada ka" sabi ni Paris
"Wala akong pake" sabi ni Luna at napairap
"Masungit ka nga, kumain ka na dun. Mamaya, hihirangin ka na bilang Diyosa ng Buwan. Lalabas na yang kapangyarihan mo kaya kailangan malakas ka" sabi ni Paris
"Dun ka na nga, hindi ko kailangan yang mga sinasabi mo. Tanggap ko ang pagiging Diyosa ng Buwan pero kung makakasabay kong kumain yung Grim Reaper na yun. Wag ka na uyy! Papatayin ko nalang tong sikmura ko sa gutom" sabi ni Luna at niyakap ang tuhod
"Si Tristan, lagi nya akong pinagluluto. Tapos laging kaming sabay kumain, kapag titikman nya yung pagkain hahalikan nya ako para daw masarap. Tapos kapag ako nagluluto, pinupuri nya ako kasi masarap ako magluto, minsan pa kapag nasa bahay sya. Buhay prinsesa ako kasi wala kaming ibang gagawin kundi magkwentuhan. Nasanay kaming nagku-kwento tungkol saming dalawa" sabi ni Luna at napangiti sa kinukwento nya
"Ako din may girlfriend pero nalayo ako sa kanya kasi naging Diyos ako ng Karagatan. Nakatira sya sa tabing dagat kaya madalas ko syang makita. Lagi ko syang binabantayan pero sa malayo lang, ayokong makita nya ako dahil alam kong magagalit sya sakin" sabi ni Paris
"Magalit man sya sayo at least mapapatawad ka nya. Pero kay Tristan mukhang malabo, Prinsepe ng mga Bampira si Tristan. Mabilis syang magalit at kapag nagagalit sya, nadadamay ang panahon. Kumukulog, kumikidlat at umuulan ng malakas kapag sobrang galit sya. Panigurado, sobrang galit sya ngayon kasi iniwan ko sya na sa sobre lang nagpaalam" sabi ng dalaga at napaiyak
"Parehas lang tayo, wag kang mag-alala. Mas malala lang yung sayo kasi minahal mo ang kaaway nating mga Diyos at Diyosa" sabi ni Paris kay Luna
"Kailangan ba ipamukha mo sakin nagmahal ng bampira, kasalanan ko?" inis na sabi ni Luna at napairap
"Oo na, kumain ka na dun. Lilibutin natin ang buong Palasyo para hindi ka nakakulong dito" sabi ni Paris at pinasok sa banyo si Luna
Napabuntong hininga nalang si Luna "Parehas sila ng ugali ni Sir Dave, mapilit masyado" sabi nya at napailing
****
Sa kabilang banda........Binato ni Tristan ang wine glass dahilan para mas lumakas ang ulan. Sa loob ng isang linggong paghahanap nila kay Hannah ay wala silang nakita ni anino nito
"Pasensya na po, boss. Hindi talaga namin mahanap si Miss Hannah" sabi ng tauhan nya na basang basa at hinahabol ang hininga
Napabuntong hininga nalang sya "Magpahinga na kayo, bukas nalang tayo magpapatuloy" sabi nya na kinagulat ng mga tauhan nya ngunit umalis na sya at dumiretsyo sa kwarto nya
Umupo sya sa kama at pinagmasdan ang litrato ng kanyang kasintahan na nakangiti at kasama sya. Humina ang ulan dahil gumaan ang pakiramdam nya ng makita ang magandang ngiti ni Hannah
"Hannah" sambit ni Tristan sa pangalan ng kanyang kasintahan at kinalma ang sarili nya
Tuluyang nawala ang masamang panahon at sumikat ang maliwanag na araw. Tinignan ni Tristan ang singsing na dapat ibibigay nya kay Hannah ngunit nawala naman ito
Tahimik na umiyak si Tristan dahilan para lumungkot ang panahon at dahan dahang bumagsak ang maliliit na butil ng ulan tulad ng luha sa mga mata nya
Napangiti sya ng mapait at sinarado ang box na pinaglalagyan ng singsing at binalik ito sa drawer nya
Humiga sya sa kama at hinayaang magpahinga ang katawan nya
****
"Magkwento ka nga" sabi ni Luna habang nililibot nila ang buong Palasyo
"Itong Palasyo ay ginawa ng mga naunang Diyos at Diyosa. Mga Ika-15-16 na siglo pa iyon. Walang digmaan sa pagitan ng bampira at mga Diyos at Diyosa. Nagkaroon lang ng digmaan ng sugurin ng bampira ang mga tao at yun ang araw na sinilang ka. Nagalit ang Hari noon dahil sa ginawa ng mga bampira sa tao. Pinangangalagaan ng maayos ng Hari ang mga tao dahil sa mabuti nitong mga puso. Kaya ng dumami ang Populasyon ng Bampira sa Pervades, maraming natakot dahil baka patayin sila ng mga ito. Nagkasundo ang dalawang panig na hindi maguumpisa gera kung walang gagalawing tao ang mga bampira pero nagalaw ka ng bampira" kwento ni Paris at natawa
"Nagalaw? Hindi ako kinagat ni Tristan" sabi ko
"Hindi nagalaw ka nya, diba nag-ano kayo? Nakalimutan ko, inosente ka nga pala" sabi ni Paris na kinairap ni Luna
"Wag kang mangi-alam sa buhay naming dalawa ni Tristan, ginawa ko yun kasi mahal ko sya. Sinuko ko lahat" sabi ni Luna
"Pinagsisihan mo ba?" tanong ni Paris sa kanya at umupo sila sa damuhan
"Kahit kailan hindi. Hindi man sya ang naging first kiss at first hug ko, sa kanya ko naman sinuko ang pagkababae ko. Alam ko kasing malabo na mapakasalan nya pa ako, gaya ng promise namin sa isa't-isa. We build our future in our mind without knowing na may trials na mangyayari" sabi ni Luna at tinignan ang kagandahan ng Palasyo
"Sa buhay ng tao hindi maiiwasan ang pagsubok sa buhay. Bilib ng ako sayo kasi kahit nandito tayo sa Perimeter ng Palasyo, malakas ang loob mo na sabihin ang pangalan ng kasintahan mo" sabi ni Paris
"Bakit nga ba hindi mo masabi ang pangalan ng girlfriend mo? Is she a Vampire too?" takang tanong ng dalaga sa kanya na kinagulat ni Paris
"Yes, she is. Her name is Grace" sabi nya
"Ang ganda naman ng pangalan nya. Maganda din sya for sure, nafi-figure out ko na yung itsura nya" sabi ni Luna at kunwaring nagisip
Natawa si Paris sa inasal ni Luna "She's really beautiful, sexy, she had those long blonde hair and cute personality. She loves water, she love surfing, she love those wave, she love everything about water. Minsan nasabi nya sakin na gusto nyang magpakasal sa gitna ng dagat para daw exciting" kwento ni Paris
"I can see my close friend to you"

YOU ARE READING
My Vampire Boss
FantasyHannah Nicole Montefalcon, 22 years old. A Secretary of a Famous Company of Mr Dave Johnston which is Johnston Corporation My boss is very kindhearted and very caring one. He's nice to me but when he gets mad, it feels that you want to bury yourself...