Chapter 25

1.5K 49 3
                                        

Hannah Nicole POV

Napangiti ako at nilagyan ng bagong bulaklak at nagsindi ng kandila "It's been four years, Mom and Dad. Nga po pala, kasama ko po yung boyfriend ko. Si Tristan James Smith po" sabi ko

"Hello po, I promise I'll protect this beautiful lady of yours. I love her very much" sabi ni Tristan

"Mom, Dad, wag mo kayong magtampo sakin kasi ngayon lang ako nakadalaw. Busy po ako eh, Mom nabawi ko na po yung jet gaya ng promise ko. Nakabalik na din po ako sa Francia De Amor, nakita ko ulit sila Kuya Julius tapos binalikan ko lahat ng ginawa natin noon. Mom, namimiss ko na yung luto mo. Dad, namimiss mo na yung moody na ugali. Kayo kasi eh, nang iiwan kayo agad eh" sabi ko at napasimangot

Biglang humangin ng malamig "Joke lang po, hindi naman po kayo mabiro. Miss ko na po kayo, sabi ko diba hindi po ako iiyak. Sorry po ah, hindi ko natupad" sabi ko sa kanila at napayuko

"Mr and Mrs Montefalcon, I promise. I'll marry your stubborn daughter whatever happens" sabi ni Tristan

"Mom, Dad uuwi na po kami. Dadalaw po ako next time" sabi ko at hinaplos ang puntod nilang dalawa bago tuluyang umalis.

****

Humiga na ako sa kama at pinikit ang mata ko "I'll take a shower first" rinig kong sabi ni Tristan

Tumango lang ako bilang sagot at tinignan ang maleta ko. Napayuko ako at tinignan ang relo ko, 8:40 PM na

Biglang lumitaw ang Grim Reaper at kinuha ang maleta ko. Iniwan ko ang isang sobre sa kama at hinawakan ang kamay ng Grim Reaper

"Tara na, Luna" sabi nya

Napangiti ako ng mapait at tumulo ang isang butil ng luha sa mata ko

I love you and...........Goodbye.

****
Tristan James POV

I storm out to the bathroom and........where the f*cking hell is my girlfriend?

Napatingin ako sa sobreng nasa kama at kinuha ito. Binuksan ko ito at tinignan ang papel sa loob. Walang nakasulat

It's a special paper. Smells like an apple

I get some candle and light it. Tinapat ko dun ang papel at lumabas na ang sulat dito

'Tristan, I'm sorry. I know if you're reading this letter, umalis na ako. Magalit ka man sakin, I don't care. My real family is not those person you saw in the picture, they're my adopted parents. Ang totoong pamilya ko ay patay na ngunit naging Grim Reaper ang kapatid kong lalaki, hindi ko din alam nung una. Nagkausap kami ng Grim Reaper ng mawala ako, hindi ko sinabi kasi ayokong mag-alala ka sakin. Tristan, I know you're mad at me but we are not meant for each other. Magkalaban ang lahi natin. You're a Vampire and I'm the Goddess of the Moon. My true name is Luna Moonlight not Hannah Montefalcon

I love you very much, My Vampire Boss and my lovely Boyfriend. I'm sorry'

Nang hina ako sa nabasa ko at napapikit ng mariin. Binaba ko ang papel sa kama at ginulo ang buhok ko

Is this my karma? Loving my soulmate? And she left me dumbfounded. I don't care if she's a Goddess. They said that my soulmate is my greatest downfall? So eto na nga yun? She's my greatest downfall?! The f*ck! I'll find her, where ever she is! I'll find my girlfriend. Hindi ko hahayaang maghiwalay kami ng ganito

Biglang kumulog at bumuhos ang nakapalakas na ulan

****
Third Person POV

"Welcome Luna" bati ng Diyos ng Araw kay Hannah

"Wag kang matakot sakin, magiging katulad ka rin namin. Ako nga pala si Arc, ang Diyos ng Araw" pagpapakilala nito

"Tama ang theorya ni Uee, napakaganda mong bata" sabi naman ng Diyosa ng kapaligiran

"Ako si Alenna, Diyosa ng Kapaligiran. Kinagagalak kitang makita, Luna" sabi nito at bumeso

Nawalan ng ekspresyon ang mukha ni Hannah ng makita nya ang kanyang kapatid, ang Grim Reaper

"Ang totoo nyan, hindi talaga ako Grim Reaper. Kapatid ko, ako ang Hari ng Buong Milky Way Galaxy. Ako si Zen" sabi nya

Napairap nalang si Hannah "Nagsinungaling ka parin sakin, Grim Reaper" malamig na sabi nito at nagiwas ng tingin

"Pasensya na aking kapatid, gusto lang kitang ilayo sa bampirang iyon" sabi ni Zen

"Ano pa bang magagawa ko eh nandito na ako? Alangan tumakas ako, hindi ko alam pauwi" bwisit na sabi nito at muling napairap

"Kahit kapatid kita, Hari parin ang kausap mo" sabi nya

Nagcross arms si Hannah at tamad na tamad na tinignan ang kapatid "Eh ano ngayon? Kahit pa mataas ang tingin ng lahat sayo dito, nilayo mo parin ako kay Tristan" sabi nya

"Wag mong banggitin ang pangalan ng bampirang iyan sa Palasyo ng Hari, Luna" sabi ni Arc kay Hannah

"Kasalan ko na mahal ko ang bampirang yun?" sarkastikong sabi nito at napairap

"Kung mabait ako sayo noon, ngayon hindi na. Nagsinungaling ka at yun ang malaking kasalan mo sakin, Grim Reaper" sabi ni Hannah at iniwas ang tingin kay Zen

****
A/N

Isang announcement na malala pa sa kagwapuhan ng bida dito

I'll use 'Luna' instead of 'Hannah'

So wag kayong lilito. Kapag nakabalik si Hannah/Luna sa Pervedes saka ko ulit gagamitin ang 'Hannah'

Arte ko diba? Ganun talaga, pagwapuhan lang yan. Mas gwapo ako sa bida dito, char!

Sige na, pagbibigyan ko na kayo. Sumainyo ang kagandahan at kagwapuhan isama nyo pati kalusungan. Exit na ako! Storbo ako eh, nakakahiya sa inyo!

Enjoy reading!

Lovelotz

-clazore_love

My Vampire BossWhere stories live. Discover now