Prologue

1.4K 34 2
                                    


"Samantha, please, baby don't do this to me!" I said as I am trying to stop her from leaving. She's determine to leave me, and I can't let her do that.


"I don't want you to love someone who's far away from you! I...I don't want you to suffer anymore—"


"I can wait, Sam! I can! Okay lang sa akin na mag-aral ka sa ibang bansa, I won't stop you from that—" I interrupted her. We were raising our voice, like we didn't love each other.


"LDR doesn't work, Jiro!" Napatigil naman ako sa sinabi niya sa akin. What's the meaning of that?


"Baby, listen to me. We, we can make it work." I held her hands, trying to convince her not to end our relationship. My eyes were teary eyed, trying to beg her not to leave.


"No. Tama na, Jiro. Tapusin na natin 'to," she said coldly. Hinawakan niya ang kamay ko at unti-unti niya itong binitawan.


After that, I never got the chance to see her again.


That was 2 years ago, but I still love her.


"Bro, kamusta? Mga isang buwan kang hindi nagpakita sa amin ah," bati naman sa akin ni Dean na mga isang buwan ata akong hindi ginambala.


"Oo nga, Jiro. Isang buwan kang hindi nagpakita sa amin, akala ko nga patay ka na," Clyde said before drinking his beer and laughed.


"Gago talaga 'tong si Clyde," sabi naman ni Kiel na natawa sa sinabi n'ya. Kahit ako ay natawa rin sa katarantaduhan ni Clyde.


Kasalukuyan kaming nasa isang bar na hindi pamilyar sa akin. Nagyaya si Dean sa bar na 'to at hindi ko alam kung bakit. Siguro, natripan n'ya lang talagang uminom ngayon.


"Teka nga Dean, saan mo bang lupalop nahanap 'tong bar na 'to?" tanong ni Clyde kay Dean habang nagbubukas ng isang pang bote ng alak.


"Ah, may nagrecommend kasi sa'kin ng bar na 'to."


"Sino? Babae ba?" Ani Clyde.


"Oo, bakit?" Dean was smiling trying to tease him.


"Reto mo nga 'tong bespren ko para naman makamove on na sa ex niya." Inakbayan pa ako ng gago pero inalis ko naman ang pagkaka-akbay niya sa akin nang dahil sa inis.


"Pinagsasabi mo?" Napakunot naman ako ng noo.


"Nako, lagpas lagpas ka na sa three-month rule, pare. Mag-move on ka na!" Sinanggi pa ako ni Kiel sa balikat habang nag-aagree naman sa kanya ang iba pa naming kabanda.


"Oo nga, Jiro! Gusto mo ihanap kita ng babae dito sa bar? Dami do'n sa may baba oh!" may paturo-turo pang sabi ni Clyde.


"Tigil-tigilan n'yo nga ako!" Naiirita ko namang sagot sa kanila habang sila, nag-eenjoy pa ring pagtripan ako.


"Hay nako, tindi talaga ng tama mo kay Samantha 'no?" Pailing iling na sabi pa ni Riley bago inumin ang natitirang alak sa baso niya.


"Tss," Dean scoffed,  "tamaan ka sana sa iba Jiro, nang magising ka sa katotohanan na hindi ka na niya mahal!" 


Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Dean. Hindi na ako nakitawa at bagkus ay nanahimik na lang.


Lumalim pa ang gabi at parami nang parami 'yung naiinom namin, lalong lalo na ako.


"Tangina, wala talaga tayong laban sa alcohol tolerance ni Jiro!" sabi naman ni Clyde na namumula na sa kalasingan.


Sa aming lahat, kami na lang ata nina Kiel at Dean ang sober.


"Cheers!" Natatawa pang sabi ni Kiel sa akin bago kami sabay na uminom. Ang daya nga lang ni Kiel dahil hindi ganoon karami ang nainom niya kaya mas lasing ako sa aming dalawa.


I can sense that I am a little bit tipsy but I keep on drinking. Kami na lang ni Kiel ang umiinom while our bandmates are trying their best to stay awake. Meanwhile, Dean was busy looking through his phone.


"Wait lang guys, cr lang ako," paalam ko naman sa kanila.


"Okay!" sigaw naman ng lasing nang si Clyde para marinig ko siya. Nagthumbs up pa nga ang gago at pinipilit pang magising kahit antok na antok na siya.


Bumaba ako mula sa second floor ng bar para hanapin ang cr ng boys sa first floor. I tried my best not to trip and to stay awake because I am already drunk enough para matumba.


I walked through the crowd, trying to find the comfort room but instead, I found something else.


I saw someone from her back and I can tell that it's her. It's Samantha.


I immediately decided to be near her and at least talk to her because I haven't seen her for 2 years. Before she even enter the comfort room, I grabbed her wrist and kissed her on her lips.


She was pushing me away but it didn't work. After I finished kissing her, I tried to say something but...


"Baby, you came back—" I wasn't able to finish the sentence because the girl slapped me.


And then I was shocked when I realized, I kissed the wrong girl.


Fuck!

Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon