30

254 9 0
                                    


"Congratulations boys, you are now officially part of Hit Global Records. Welcome to the family!" Mr. Smith said as he approached us for a hand shake.


Finally, nakapirma na kami ng kontrata sa kanila. Napag-usapan na rin kung kailan ang tentative date for our debut. After graduation pa naman kami magiging busy for the preparation kaya mahaba pa ang oras.


Sa sobrang dami ko ring ginagawa ngayon ay ni hindi ko man lang maichat o matawagan si Chloe para kamustahin. Nagkita na rin naman kami ulit dahil nagpunta kami sa bahay nila para sabihin sa kanya ang tungkol sa kontrata.


She looked so happy upon hearing the news and I'm glad that she's okay now.


Nagkita rin naman kami ulit para samahan sila sa pagvo-volleyball n'ya pero nauwi rin sa basketball ang punta namin. Nalagay pa ako sa alanganin nang tanungin n'ya ako kung bakit ko s'ya gusto.


Sinimplehan ko na lang ang pagsagot ko. Bakit ako mahihiyang sabihin 'yon? Pakiramdam ko nga ay dapat mas makapal ang mukha ko dahil alam na n'yang nililigawan ko s'ya.


And then, we came to their house again dahil gusto raw kaming makilala ng kapatid ni Dean.


"Kuya, this is Kiel, Clyde, Riley, and Jiro. Guys, Kuya ko nga pala."


"Nice to meet you boys, I'm Carlos, Diego's older brother." Hindi namin alam ang gagawin namin nang iabot n'ya ang kamay n'ya para makipag-kamay sa amin.


"Teka, luluhod ba kami or magba-bow?" tanong ni Clyde na napapakamot pa sa ulo n'ya. Natawa naman sina Dean at ang kapatid n'ya sa aming apat.


"You can treat me as how you treat my brother," he slightly laughed.


We took his hand dahil baka nangangalay na 'yon at kanina pa naghihintay sa amin. Isa pa, buhat n'ya rin ang anak n'ya. Nakipag-shake hands pa kami at sinamahan pa namin ng konting bow dahil naiilang pa rin kami.


Naupo na kami sa dining room para magsimulang makipag-usap sa kanya. Naki-inom rin kasi kami ng tubig sa kanila.


Magkahawig nga sila ni Dean at hindi sa pagtataksil pero, mukhang mas gwapo nga talaga ang Kuya ni Dean kaysa sa kanya. Tama si Chloe.


"So, kayo pala ang mga kabanda nitong kapatid ko," sabi n'ya habang tumatango tango at tinignan kami isa isa.


"Ah, opo. Kami nga po," sagot naman ni Riley. Muli na namang tumawa ang kapatid ni Dean sa sagot ni Riley.

Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon