39

178 9 1
                                    


As we talked about, I changed the date of our date. Chinat ko na lang s'ya dahil baka busy s'ya ngayon.


Inabot ng kinabukasan, hindi pa rin s'ya nagre-reply kaya naisipan kong tawagan s'ya. He's not answering so I guess he's busy again.


Ngayong gabi na ang flight ko papuntang Spain at tinatawagan ko s'ya, hindi s'ya sumasagot. Nagsimula na akong mag-alala dahil hindi na n'ya ako kinakausap.


He's not busy anymore. I know he's avoiding me.


"Oh, may problema ba?" tanong ni Kuya na napansin na kanina pa ako hindi mapakali.


"Si Jiro kasi, Kuya, hindi n'ya sinasagot ang mga tawag ko." I keep dialing his number but he's not answering.


"Nag-away ba kayo?" tanong ni Kuya. He looked worried now. Malayo sa dati na pinakikiusapan n'ya pa akong hiwalayan si Jiro.


"Hindi. He's been like this for the past 3 days!" I was teary eyed and don't know what to do.


Naiinis na lang ako dahil paulit ulit ko nang dina-dial ang number pero hindi talaga s'ya sumasagot. Kahit na i-message ko s'ya, hindi s'ya nagre-reply.


"Bakit hindi mo s'ya puntahan?" Napatingin ako kay Kuya nang sabihin n'ya 'yon.


"What?"


"Go to him," he said. "You said you don't want to leave him, then go to him."


Naiyak na lang ako bigla at niyakap s'ya. I thought he's gonna abandon me, but he didn't.


"Thank you, Kuya. Thank you."


"Sige na, umalis ka na. Alex will pick you up here soon. Ako nang bahala sa kanya."


Tinutulak na lang ako ni Kuya paalis. Tinignan ko pa s'ya bago ako tuluyang tumakbo palabas. Nagloloko ang sasakyan ko kaya tumakbo ako palabas ng bahay para mag-commute na lang.


Hindi ako aalis. Hindi ko siya iiwan.


Makulimlim pa nga at mukhang uulan. Habang nasa byahe ako, tinawagan ko si Jace.


Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon