15

284 11 1
                                    


Last day na nga ng bakasyon, mukhang hindi pa ako masaya. Pagka-akyat ni Chloe sa taas, nagsalita kaagad si Dean.


"Ang daya niya, sa kanya napunta 'yung master's bedroom!" reklamo ni Dean. "Sarap pa ng nood niya do'n!"


"Bakit hindi tayo makinood?" sabat naman ni Riley.


"Oo nga! Pwede naman siguro?" sagot naman ni Clyde.


To cut the long story short, nakinood nga kami. I was excited because we will have a movie marathon in the last day of our vacation however, hindi naging maganda ang mood ko habang nanonood. I was crossing my arms and silently watching the movie. I didn't even laugh because all I can see was Kiel and Chloe getting along with each other.


I was jealous the whole time. I won't deny it this time, I am really jealous and that jealousy affected me until the next day.


Niyakap ako ni Chloe and I was happy for a bit however, hindi ko na lang 'yon pinahalata kay Kiel by acting as if wala ako sa mood.


Habang nagdadrive ako pauwi, imbis na acting lang sana 'yung pagkawala ko sa mood, nagiging totoo na ata.


Pagkauwi ko sa bahay, kumain muna ako. Mga bandang hapon, hinanap ko si Jace na naabutan kong mag-isa sa may kwarto niya at nagbabasa habang nakahiga sa kama.


"Don't you know how to knock?" salubong naman niya sa akin. "I'm busy, what do you need?"


Ako ang Kuya pero siya 'tong kung makaasta akala mo panganay.


"Sino 'yung kasamang lalaki ni Chloe sa Tagaytay?" Napalingon naman siya sa akin.


"Kami," he said and then his attention was back to what book he's reading.


"The guy she's talking to on Penelope's IG story!" Napalingon siya ulit sa akin. Siguro dahil narinig niya ang pangalan ni Penelope. Pagkatapos niyang mapalingon sa akin ay nagbasa na siya ulit at hindi sinagot ang tanong ko.


"Sino nga!"


"Chill, they're just friends," he chuckled. "I thought you rushed in here because there's an emergency."


I don't even know why I suddenly wanted to ask Jace about that pero, mamamatay ata ako nang dahil sa curiosity so mabuti nang magtanong ako.

Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon