23

252 13 0
                                    


Earlier that day, my friends told me that they won't make it because they're all busy.


Luckily, I have male friends so Kuya Dean decided to call them. May meeting pa s'yang sinasabi, inuman naman pala ang magaganap.


Nagbukas ako ng mga regalo pero hindi ko nabuksan lahat dahil napagod na lang ako sa dami. Ang dami rin nilang tanong kaya we end up telling them about our family backgrounds. After I opened the gifts, nagpaalam ang mga boys na aalis raw muna sila dahil may bibilhin and Jiro insisted to stay to help me with the gifts.


Habang naghihintay kami sa mga boys, naiwan kaming dalawa do'n. I decided to play the piano to test myself if I can still remember the lyrics and chords from 'Fly Me To The Moon' but, I suddenly forgot the lyrics because I never sing it. I hum it, rather.


Buti na lang, nando'n si Jiro para tapusin ang kanta. Nahihiya pa nga akong kumanta, nakakahiya sa maganda n'yang boses.


"Fill my heart with song and let me sing forevermore
You are all I long for
All I worship and adore
In other words, please be true
In other words, I love you."


Napangiti ako habang nagpipiano. His beautiful singing voice made me smile.


"Alam mo, ang swerte ng magiging girlfriend mo." I slightly laughed.


"Bakit naman?"


"Ang ganda kaya ng boses mo! Ang swerte n'ya, pwede mo s'yang kantahan araw-araw."


"Mas swerte magiging boyfriend mo."


"Bakit naman?"


"Araw-araw s'yang may masarap na kape na gustung gusto ko."


"Really?"


"Oo, kaya maiinggit talaga ako sa kanya."


"Kung gano'n, ikaw na lang ipagtitimpla ko ng kape."


"Talaga? Ako na lang?"


"Oo, tutal ikaw naman ang may gusto ng kapeng tinitimpla ko."


"So ako na lang?"


"Oo nga! Paulit ulit!"


"Ako na lang boyfriend mo?" 


Natawa naman ako sa sinabi n'ya. Kahit s'ya ay natawa rin sa kalokohan n'ya. Alam ko namang nagbibiro lang s'ya kaya ang sabi ko,


"Boy friend naman talaga kita ah!"


Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon