Ako ang napagod sa paglalakad namin at pagdating namin doon sa loob, nasa sala lang sina Kiel at Chloe, at nakikipag-usap lang kay Pia.
Agad tinanong ni Dean kung kamusta na ba si Chloe and akala nga namin ay nasprain siya pero ang katwiran niya sa amin, baka raw nabigla lang at mawawala rin naman daw 'yon.
Kinagabihan, naghiwa-hiwalay naman kami. Ako lang ata ang nasa kwarto samantalang sila ay nagpapahangin sa labas ng bahay.
Huling silip ko ay sina Dean at Alex ang magkasama samantalang sina Kiel, Riley, at Clyde ay abala sa pakikipaglaro kay Pia. Naisipan ko namang lumabas ng kwarto dahil baka mahalata nila ako.
Paglabas ko naman, wala talagang katao tao sa loob ng bahay o kahit sa labas man lang. Siguro ay mga naggala pa 'yon kaya wala sila sa labas. Niyaya naman nila ako pero ang sabi ko, iiglip muna ako pero mukhang napasarap 'yung nap ko at 10 PM na ako nagising mula sa 7 PM kong pagtulog. Sabi ko kasi, 1 hour lang ako matutulog.
Pagbaba ko, nakita ko si Chloe na nakaupo mag-isa sa tapat ng piano habang umiinom ng wine. She's just pushing those piano keys like she's so bored.
Bigla na lang akong tumabi sa kanya sa upuan at nagulat naman siya.
"Sorry...I didn't mean to startle you." She just nodded and it seems like she's not in a good mood now. Nang tignan ko naman 'yung iniinom niya, mauubos na niya 'yung isang bote. I thought, maybe she's having a bad time.
"Okay ka lang ba?"
"Oo."
"Umiinom ka d'yan mag-isa hindi ka man lang nagyayaya." Hindi niya ako tinitignan at nakatingin lang siya doon sa may piano. Naisip ko na, hindi naman siguro iinom itong si Chloe kung okay lang siya.
"May problema ka ba?" Hindi naman niya ako sinagot. "Sabihin mo na, makikinig ako."
"Wala naman akong problema, gusto ko lang talaga uminom mag-isa." She then laughed while I am being serious dahil kagigising ko lang.
"Akala ko naman bad mood ka kaya umiinom d'yan." Napailing na lang ako. "Mukha kasing wala ka sa mood kanina dahil ang tahimik mo at mukhang bored na bored ka."
"Nakakabored naman talaga mag-isa," she slightly laughed when she said that.
"Siya nga pala, nasa'n na sila?"
"Nando'n sila sa may likod, naliligo sa may pool habang nag-iinuman."
"Hindi ka sumama?"
"Hindi. Ayoko."
BINABASA MO ANG
Melody (originally 'A Melody To The Heart')
Teen FictionSquad Series #1 For Jiro, music is his own remedy to mend his broken heart as he thought that there's no other way to mend it - not until his life was changed after he mistakenly kissed his friend's cousin, Chloe. © 2020