28

276 9 0
                                    


[R18] Read at your own risk.

TRIGGER WARNING:  

This chapter contains a detailed scene that shows Sexual Harassment. Read at your own risk.


Habang lumilipas ang mga araw, patuloy si Alex sa paglapit sa'kin. Lagi n'ya akong niyaya tuwing first breaktime kasama ang mga kaklase n'ya.


Nakikisama na lang ako dahil first of all, magkaibigan pa rin naman kami. Second, hindi ko na s'ya gusto. I know what he did. He told me he's busy 'cause he's reviewing for his exam on Monday, but someone told me that he's kissing Angel at a bar the same night he told me about it.


Ayoko sa lahat 'yung sasabihin sa'kin na gusto n'ya ako then all of a sudden, mababalitaan ko na lang na may kahalikan na iba. I don't know, I just don't like it.


Wala s'yang isang salita, and I hate it. Fine, I cried but, it's just one time. Hindi ko na inulit, just like Penny said, 'wag raw akong magsayang ng luha.


Lapit pa rin s'ya nang lapit pero hindi ko pinahalata sa kanya na alam ko ang ginawa n'ya at nakisama pa rin ako kahit na napipilitan ako.


Until one day, he invited us on a get together at a bar. Ayoko sanang pumunta pero dahil nando'n naman sina Kuya and nando'n naman ang girls, pumayag ako.


10 PM, we arrived at the bar. Ang daming tao at malas pa dahil katabi namin ng table sina Alex. Hahanap pa sana ako ng table pero sabi ni Penny, 'wag na raw dahil mahihirapan na kaming maghanap.


"I'm glad you guys made it," Alex greeted us.


"Salamat sa pa-invite, Alex," Steph said. Ayoko sana s'yang kausapin pero, ang daldal n'ya.


"Chloe, thank you for accepting my invitation."


"Welcome." I replied as cold as I could. Ayokong masyadong kausapin s'ya dahil ang dating kilig na nararamdaman ko sa kanya ay nawala na.


Nang bumalik si Alex sa table nila kasama si Angel, bumulong sa akin ang mga kaibigan ko.


"Akala ko babae lang ang magaling mamlastik, lalaki rin pala."


"Ang kapal ng mukha n'yan ni Alex na magpakita sa'yo at ngumiti ngiti sa'yo pagkatapos n'yang magsinungaling?"


"Oo nga! Akalain mo 'yun, mas makapal pa sa Earth's Mantle 'yung pagmumukha n'ya?"

Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon