I woke up at 6 AM, pinaka-maagang oras ko ng gising sa tuwing nasa bahay ako. Sabado ngayon at wala naman akong mga dapat na gawin.
"Himala ang aga mo nagising, Kuya," sabi ni Jace na kakababa lang. Wala ang Ate namin dahil kasalukuyan pa siyang nasa ibang bansa at may inaayos sa negosyo namin.
"May lakad ako."
"Ang aga mo naman manligaw."
Sinundan ko ng tingin si Jace hanggang sa makaupo s'ya sa upuan n'ya. Pagkaupo niya, napatingin s'ya sa akin at napahinto sandali bago uminom ng kape.
"Why are you looking at me like that?"
"Sa ibang bahay na nga lang makapag-almusal," sabi ko naman sabay tayo at nilayasan s'ya pero hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay nagsalita si Jace.
"Pikon!"
"Shut up! You're ruining my mood."
I heard him laughing while I was walking away and climbing through the stairs. Ganyan 'yang kapatid ko kapag alam n'yang may babae na involved sa buhay ko. Makakabawi rin ako ng asar sa kanya. Hintayin n'ya lang talaga!
Dahil nga nawala na ako sa wisyo, bumalik ako sa taas para maligo. Pupunta na lang ako kina Dean at tutulungan ko na lang s'ya sa thesis namin — at para na rin makita si Chloe.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, tinawagan ko si Dean at sinabi na pupunta ako sa kanila para tulungan s'yang tapusin din 'yung thesis namin. Pumayag naman s'ya kaya nagpunta na ako sa kanila.
Pagdating ko do'n, ang daming regalo sa may sala nila. Wala na ngang mauupuan dahil lahat ay nasa sala nila. I know it's for Chloe and I was shocked to see all of that. Marami rin namang nagreregalo sa'kin pero hindi naman ganyan karami! Pagdating ko nga ay may isa pang malaking regalo na dumating.
"Bro, good morning," bati ko naman kay Dean. Nakatingin s'ya sa akin at parang alam ko na kung anong gusto n'yang sabihin.
"Thesis ba talaga pinunta mo rito o pinsan ko?"
"Both," I answered. "S'ya nga pala, ang dami namang regalo ni Chloe?"
"Lagi naman. 'Yung iba d'yan, galing sa mga fans n'ya. 'Yung iba naman, galing sa mga kamag-anak namin, at 'yung banda do'n, galing sa mga lalaking umaasa pa ring papansinin sila ni Chloe. Hindi ko na sure kung kanino galing 'yung iba dito pero karamihan sa mga regalo na nandito, sa mga kakilala at kaibigan lang ni Chloe."
BINABASA MO ANG
Melody (originally 'A Melody To The Heart')
Ficção AdolescenteSquad Series #1 For Jiro, music is his own remedy to mend his broken heart as he thought that there's no other way to mend it - not until his life was changed after he mistakenly kissed his friend's cousin, Chloe. © 2020