Hindi ko malilimutan kung paano ako sinagot ni Chloe. I expected it to be romantic, not her, throwing a clutch bag at me because she's furious at that girl who kissed me at the bar.
Natatawa pa rin ako dahil hindi talaga iyon ang scene na nai-imagine ko.
Naging busy kami, tamang video chat na lang kami sa isa't isa. Lagi ko s'yang sinasabihan na matulog na pero s'ya itong makulit na nagpupuyat para lang makausap ako.
One time, she fell asleep while we're video chatting.
When she became my girlfriend, naiintindihan ko na si Dean. I understand why he's being overprotective to her. She's caring and sweet to me, like she is to him. Matigas din ang ulo minsan at masyadong mabait to the point na halos hindi makabasag-pinggan.
Naaalala ko, hindi ako nakapasok nang dahil sa hayop na trangkaso na 'to. Nagkayayaan kami kasing lima ng basketball kahit gabi na. Natuyuan ako ng pawis nang dahil do'n.
Pag-uwi ko sa bahay, pagod na pagod ako kaya hindi na ako nakaligo at diretso tulog na lang. Kaya ayo'n, pinagsisihan ko 'yun kinabukasan dahil hindi ako nakapasok.
"Surprised!"
My girlfriend decided to pay me a visit. Gano'n na ata ako kagwapo at hindi matiis ng girlfriend ko na hindi n'ya ako makita.
Sinabihan ko na s'ya na 'wag pumunta pero dahil matigas ang ulo n'ya, pumunta pa rin s'ya.
Kinikilig ako sa tuwing naaalala ko na pinagluto niya ako ng Tinola kahit raw hindi s'ya marunong. Hindi man n'ya nakuha ang lasa ng Tinola ni Mommy na gusto ko, nakuha naman n'ya ang puso ko.
I don't need her to do that, but her effort made me smile that day. First time ko kumain ng Tinola habang nakangiti.
She was busy reading her notes. Pinatay ko 'yung TV kasi sabi n'ya matulog raw ako. Sumunod na lang ako kasi ang sungit ng nurse ko.
Imbis na sa unan ako humiga, sa hita na lang n'ya. Nagkunwari lang akong tulog all this time para lang marinig ko ang boses n'ya na nagbabasa ng notes at kinakausap ang sarili sa tuwing nagkakamali s'ya sa pagkabisa.
She was cute, doing all that.
Nang hindi ko na naririnig ang boses n'ya, bahagya ko s'yang sinilip. Ayun, nakatulog na pala s'ya. Maingat kong inalis ang notebook sa kamay n'ya habang dahan dahan s'yang hiniga sa tabi ko.
I wore my mask para hindi s'ya mahawa sa trangkaso ko.
I used my arm as her pillow while she's peacefully sleeping there. Tinititigan ko lang s'ya habang tulog at pinicturan ko pa nga s'ya as souvenir.
Ang ganda ganda n'ya kahit tulog kaya napapaisip ako kung paano s'ya sa nagkagusto sa'kin.
BINABASA MO ANG
Melody (originally 'A Melody To The Heart')
Teen FictionSquad Series #1 For Jiro, music is his own remedy to mend his broken heart as he thought that there's no other way to mend it - not until his life was changed after he mistakenly kissed his friend's cousin, Chloe. © 2020