The next day, just like what we talked about, may plano nga kami na magpunta mamayang gabi kay Sir John.
"May lakad ka?" tanong ng magaling kong kapatid na si Jace na abalang nakaupo sa sala.
"Oo," sagot ko.
"Ano, yayayain mo na si Chloe for dinner?" Lakas talaga manggago ng kapatid ko kahit kailan.
"Hindi. Pupuntahan namin manager namin, okay na tayo, Jace?"
"Init naman ng ulo mo, Kuya! Nagtatanong lang naman ako," sabi naman ni Jace.
"Lakas mo manggago eh," sagot ko naman.
Paalis na sana ako ng bigla akong batuhin ng unan ni Jace. Hindi ako naka-alis kaagad dahil hinabol ko pa si Jace sa buong sala namin. Hindi ko talaga s'ya tinantanan hanggang sa makaganti ako sa kanya ng hampas ng unan.
Buti na lang at medyo maaga pa kaya hindi ako nalate. Nang makumpleto na kami, naisipan na naming pumasok sa opisina ni Sir John.
"Oh, boys! Anong ginagawa n'yo dito, wala naman kayong gig ngayon ah?" Hindi kasi namin sinabi sa kanya na pupunta kami ngayon.
Sigurado naman akong matutuwa s'ya sa sasabihin namin sa kanya. Ang una kasi naming sinabi ay nag-aalangan pa kaming pumirma sa kontrata dahil sa mga magulang namin.
"May balita kasi kami sa'yo, Sir." Napangiti na lang si Dean matapos n'yang sabihin 'yon.
"Ano?"
"Pipirma na ho kami ng kontrata," sabi naman ni Clyde. Halata sa reaksyon ni Sir na tuwang tuwa talaga s'ya. Kulang na nga lang ata ay maiyak s'ya sa tuwa.
"Uy, Sir! 'Wag ka umiyak!" natatawa namang sabi ni Riley.
"Hindi ako umiiyak! Natutuwa lang ako dahil sa wakas, magiging talent na kayo ng HG. Masaya lang talaga ako," saad ni Sir. Pagkatapos no'n ay kaagad n'yang tinawagan si Sir Rad para ibalita nga iyon.
To cut the long story short, napag-usapan lang namin kung gaano kami ka-excited para sa debut namin. Gusto ko ring maiyak pero, 'wag muna ngayon.
Fast forward, diretso na kami sa bar ni Sir John para syempre, mag-inuman.
"Hays, tagal rin nating hindi uminom ah!" sabi ni Riley na ang sarap ng sandal sa upuan.
"Lul! Last week lang nag-inuman rin tayo! Nalasing pa nga 'tong sina Kiel at Jiro!" sagot naman ni Clyde na itinuro pa kaming dalawa ni Kiel.
BINABASA MO ANG
Melody (originally 'A Melody To The Heart')
Teen FictionSquad Series #1 For Jiro, music is his own remedy to mend his broken heart as he thought that there's no other way to mend it - not until his life was changed after he mistakenly kissed his friend's cousin, Chloe. © 2020