21

311 16 0
                                    


Dumating ang araw ng Foundation Day at imbis na ienjoy ko ang event, may isang gagong nagngangalang "Clyde" ang halos patayin ako sa amusement park.


"Pre! Sakay tayo do'n!" sabi niya sabay turo sa akin doon sa Frisbee na ride. Nabatukan ko siya nang dahil doon. Sa katunayan, 'yun nga ang mga katagang unang unang lumabas sa bibig niya pagkatapos humiwalay sa amin nina Chloe kasama ang mga kaibigan niya.


"Gago p're, 'wag. Alam n'yo namang may Acrophobia ako!" sabi ko naman sa kanya bilang pagpapaalala na may takot ako sa heights.


"Face your fears, pare," sabi naman ni Riley sa akin na umakbay pa nga.


"Ipalapa kaya kita sa aso tapos sabihin ko sa'yong 'face your fears' matutuwa ka ba?" Tinanggal ni Riley ang pagkaka-akbay sa akin bago magsalita.


"Wag naman gano'n, bro."


"Bro, i-try mo lang. Kahit sa Ferris Wheel lang," sabi naman ni Kiel sa akin. "Hindi ka naman mamamatay."


"Bro, mas gusto ko pa atang mamatay kaysa naman pasakayin n'yo 'ko sa mga rides na sinasabi n'yo. Alam mo, ang mabuti pa, kayo na lang ang sumakay. Dito na lang ako sa baba. Mahihilo lang ako d'yan." Napakrus na lang ako ng mga braso ko at pinanindigan ko talaga ang sinabi ko.


"KJ talaga nito," mahinang sabi ni Kiel habang napapakamot pa ng ulo niya at umiiling iling.


"Hayaan mo siya d'yan. Basta pagbaba natin, hindi na natin siya kilala," sabi ni Dean kay Kiel habang nakaakbay dito.


Roller Coaster ang sinakyan nila at mukhang enjoy na enjoy pa sila. Sa bawat rides na sinasakyan nila, palagi lang akong nando'n sa baba. Sinabi ko sa kanila na magkamatayan na pero hindi talaga ako sasakay sa mga rides na gusto nilang sakyan.


Mga bandang 4 PM ata 'yon, nakasalubong namin ang grupo nina Jace, Ian, at Spencer, kasama 'yung mga babae pero, wala si Chloe.


"Si Chloe?" tanong naman ni Clyde sa mga kaibigan niyang babae.


"Ayaw sumama sa amin, nabadtrip ata," sagot naman ni Steph na natatawa pa.


"Bakit?" tanong ni Dean.


"Hindi talaga namin sure kung badtrip talaga siya pero ang sabi niya kanina, ayaw niya raw maging thirdwheel sa amin," sagot naman ni Steph.

Melody (originally 'A Melody To The Heart')Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon