Kinabukasan pa nang maisipan kong tignan na ang mga messages ko na noong isang araw pa ata. Ilang araw akong hindi nagparamdam sa kanila pero nabati ko sila kahapon ng umaga.
Tinadtad na nila ng messages ang gc namin at ang haba na ng binackread ko. What the hell did they talk about to the point that I had 271 unread messages?!
Dean: uy @Jiro paramdam ka naman pare
Riley: kabahan ka na Dean baka nagbook na ng flight yon papuntang Spain, miss na miss na ata non si Chloe hahahahaha
Clyde: @Jiro bro buhay ka pa ba bro
Kiel: ingay nyo
'Yon ang isa sa umpisa ng usapan nila. Ang huling usapan lang namin doon ay nagbatian kami ng 'Merry Christmas' at ayun lang naman.
Habang abala akong mag-scroll ay binabasa ko ang mga messages nila. Puro lang naman 'yun kagaguhan at hinahanap na nga nila ako. May mga kwentuhan din about sa mga buhay buhay ng bawat isa. I was busy kaya hindi ako nag-check ng phone ko.
Nakaabot na rin ako sa pinakahuling usapan nila at pinag-uusapan na nila si Chloe. Nagkaroon tuloy ng magandang bungad sa umaga ko dahil umagang umaga, siya ang topic nila.
Clyde: kinakabahan ako gago patay na ata si @Jiro
Riley: paano na si Chloe nyan
Kiel: hoy masamang biro yan hahahaha pero pwede rin
Dean: nakakamatay talaga ang pag ibig
Wala talagang matino sa mga tropa ko. Mga siraulo. Akala patay na ako. Hindi ba pwedeng busy lang ako?
Jiro: hoy buhay pa ako mga siraulo kayo
Agad na nag-seen ang mga 'yon at typing kaagad. Mga gigil na gigil sigurong magtype ang mga 'yon dahil ilang araw akong hindi nagparamdam. Advance na nga akong bumati sa kanila dahil alam kong busy ako sa Araw ng Pasko.
Clyde: hala bro buhay ka pa pala akala ko patay ka na huhu
Riley: uy bro namiss ka namin san ka ba nagpunta :(
Kiel: oh ayan buhay na pwede na kayo manahimik
Dean: wala kang kwenta ni hindi mo ata chinat man lang si Chloe
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dean kaya kaagad akong nagreply.
Jiro: binati ko yon kahapon hoy
Pagkabasa nila no'n ay typing kaagad sila. Hindi ko alam kung magagalit pero bahala sila d'yan.
Riley: aw buti pa sya binati mo sa eksaktong araw :(
Clyde: babe akala ko ba ako lang :((((
Kiel: akala ko ba tropa muna
Dean: umalis ka na rito hindi ka na namin kilala
BINABASA MO ANG
Melody (originally 'A Melody To The Heart')
Teen FictionSquad Series #1 For Jiro, music is his own remedy to mend his broken heart as he thought that there's no other way to mend it - not until his life was changed after he mistakenly kissed his friend's cousin, Chloe. © 2020