OO3

724 28 0
                                    

December 19, 2018
10:04 PM

Dear Diary,

December 19. Masaya sana itong araw noon. Masaya dapat kami at magkakasama ng buo. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla itong naging trahedya.

Pumunta ako kanina sa sementeryo. May bitbit akong mga bulaklak at apat na pirasong kandila.

Ito na naman, nararamdaman ko na naman. Sinisisi ko na naman ang sarili ko. Ayoko ng ganito pero siguro nga, ako ang may gawa. Masyado kasi akong natakot at sarili ko lang ang inisip ko ng mga panahong iyon. May magagawa pa naman ako noon pero mas pinili kong takbuhan iyon.

Oo, ginawa ko ang lahat para hindi iyon matuloy but I know there's something pa na pwede kong magawa to stop it. Kaso hindi ko nagawa, masyado kasi akong natakot.

Sana mapatawad niyo ko. Sana maintindihan niyo ko.

Haist. Umiiyak na naman ako. Kaya ayokong magsulat sa'yo kasi parati kong naaalala ang katangahan ko noon.

Ewan, sana maging maayos ang lahat diary.

Hoping,
Luna

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon