O32

216 14 0
                                    

January 16, 2019
. . .

Luna's POV

Today's Wednesday, nasa usual spot ako kasama si Euro, sa football field. Nakaupo kami sa dulong bahagi ng bleacher. Some students are staring at us and they're giving me a dagger look lalong lalo na ang mga babaeng dumaraan.

Wow! Hahaha. Hindi ko alam na sikat pala 'tong lalaking ito. Sabagay, gwapo kasi at matalino! Saan ka pa?

Anyway, we're not here to relax or magpalipas ng oras. We're actually here to watch someone.

Si Denisse. Isa sa mga blockmates ko.

Matalino siyang student and super bait niya, in fact, dean's lister siya kaya almost perfect na ang tingin ng lahat sa kanya.

Kanina ay pinatawag siya ng professor. Lahat kami ay nakatingin kay Denisse habang nakayuko ang kanyang ulo. Before she left the room ay nagtama ang aming mga mata. I was in shock when I saw something.

I saw her end.

Kaya naman narito kami ni Euro at hinihintay ang paglabas niya sa dean's office.

"Ayan na siya." sabi ko nang makita siya palabas. Naalerto rin si Euro at ginawi ang atensyon sa harapan.

Sinundan namin siya ng tingin. Napasinghap ako nang pumunta siya sa isang building. Tama nga, ngayon din ang kanyang kamatayan.

"Luna?" tawag sa akin ng aking katabi.

"Ngayon na, Euro." saad ko at tumayo na upang sundan siya. Gayon din ang ginawa ng kasama ko at sabay naming pinuntahan si Denisse.

"Bilisan mo!" sigaw ko kay Euro nang umaakyat kami sa hagdan. Bakit ba kasi 4th floor 'to?

Tinignan ko si Euro at ang layo niya pa sa akin. "Fuck. Ansakit ng sugat ko, Luna." atungal niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "'Yan kasi! Sabi ko naman sa'yo magpahinga ka muna, antigas kasi ng ulo mo!" hindi pa kasi completely healed ang mga sugat na natamo niya nang makipag-sagupaan sa manyakis kahapon.

He smirked, "Mana sa'yo."

"Bahala ka na nga, mauuna na ako." at tumakbo pataas ng hagdan.

I need to stop her.

Hingal na hingal akong nakarating sa rooftop. Napalaki ang mata ko nang makita ko siya sa dulo at onting push na lang ay maaari na siyang mahulog.

"Denisse." mahinahon kong tawag sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at nakita ko ang luhaan niyang mga mata kasabay noon ay ang paguulit ng scenario ng kanyang kamatayan.

Naririnig ko rin na may sumisigaw mula sa baba. Marahil ay nalaman na rin ng iba ang sitwasyon namin dito.

"L-luna, ayoko na." umiiyak nitong sabi at tumingin muli sa ibaba.

"Denisse, maaayos pa ito. 'Wag mong gagawin iyan."

Umiling siya. "Hindi mo ako naiintindihan!"

"Denisse, please." naiiyak ko na ring pagmamakaawa.

Ang isa niyang paa ay wala na sa semento at isang maling galaw lang naming pareho ay malalaglag siya.

"Denisse, don't do this."

Gusto ko mang puntahan siya at yakapin ay hindi k magawa. Natatakot akong lumapit sa kanya.

"Tumalon ka na." pareho kaming nagulat ni Denisse sa narinig at agad na napalingon sa nagsalita.

"Euro!" mahina kong saway. "What are you doing?"

Pero imbis na sumagot ay nakatingin lang siya kay Denisse habang nakapamulsa ang dalawa nitong kamay. Pa-cool ang fafa niyo!

"Oh, bakit hindi ka pa tumatalon? Hindi ba gusto mo ng mamatay?"

"S-sino ka?" takang tanong ni Denisse sa kasama ko.

"I'm Euro, ulirang anak at dinanas ang paghihirap sa buhay pero hindi ako sumuko. Hindi ako tulad mo, isang duwag." cold nitong sabi at ngumisi.

I don't think gagana ang reverse psychology pero sana gumana.

"A-anong—" bakas sa tono ng boses ni Denisse ang pagkairita.

"You're pathetic, Denisse. Nakakaawa ka dahil ang duwag mong tao."

Hindi ko na napansing narito na rin sa itaas ang ibang official and prof ng university.

"Ano tatalon ka pa ba, duwag?" mapang-asar na tanong ni Euro sa babaeng umuusok na ang ilong sa galit.

It looks like um-effect ang ginawang reverse psychology ni Euro ah.

"Ouch, shit." he cursed nang sugurin siya ni Denisse at pinagsusuntok.

"Sinasabi ko sa'yo, lalaki! Hindi ako duwag, ipagpapatuloy ko ang buhay ko! Hindi lang ikaw ang matapang dito, ako rin! Tinitignan ko lang 'yung view sa baba tsaka napuwing lang ako! Bago ka nga magsalita, siguraduhin mong hindi fake news!!!" tuloy-tuloy na sigaw nito kay Euro habang sinasaktan ang binata. Grabe, brutal pala 'tong si Denisse.

Napahinga ako ng malalim nang ma-confirm kong wala ng kamatayan sa mga mata niya.

Thanks, Euro.

Agad akong pumagitna sa kanilang dalawa at pilit na inilalayo si Euro kay Denisse. Haist, fresh pa naman ang mga sugat ng lalaking 'to. Tumulong na rin ang ibang prof sa amin at inilayo si Denisse sa scene.

"Salamat, Euro." sabi ko nang kaming dalawa na lang ang natira roon.

Niyakap ko siya. Tila nabigla siya sa ginawa ko pero agad ding nakabawi at niyakap ako pabalik. Wala siyang sinagot at sa halip ay naramdaman kong hinalikan niya tuktok ng aking ulo.

Ang swerte ko sa kanya.


waah! ang kilig-kilig nitong chapter na ito!! mahabang update for y'all dahil good mood ako.

sinong nakapanood ng royal wedding nila prince harry and megan? ayiiee, ang perfect ng lahat diba? sana all.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon