OO6

355 21 1
                                    

December 22, 2018
9:00 AM

Dear Diary,

Birthday ko ngayon, Diary. Hindi ko alam kung magce-celebrate ba ako o hindi. Hindi ko alam kung deserve ko pa ba ang ganitong celebration. Sa tingin ko kasi hindi na.

Pero naalala ko 'yung sinabi ni Mama. Kailangan daw na ipasalamat ko ang panibagong taon na buhay pa ako, anoman ang katayuan sa buhay at anoman ang problema.

Kakatapos lang ng misa sa chapel namin at doon ako nagsimba. Natapos ang mass ng kay Father lang ako nakatingin at halos nakayuko ako all throughout.

Ngayon ay narito na ako sa bahay. Mag-isa na naman. I decided to order a cake at siguro mamaya-maya ay darating na rin 'yon.

Happy 17th birthday, self!

Nagpapakasaya,
Luna

P.S. Nakasalubong ko ulit 'yung babae na nakita ko sa store kahapon. Binati niya ako. Sobrang saya ko, Diary!

P.P.S Kaso may napanood ako sa TV, nasunugan 'yung isang pamilya at halos lahat ng nakatira roon ay namatay. Haist. Magpapasko pa naman.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon