O22

210 13 0
                                    

January 1, 2019
. . .

Luna's POV

"Dito na lang po, manong." sabi ko sa driver nang makita ko ang address ng apartment complex na nakita ko.

Tumigil ang sasakyan at aksidente kong nakita ang mga mata ng driver.

Napaawang ang bibig ko at napaatras.

"Ineng, ang bayad mo?" napapikit ako at dali-daling kinuha ang pera sa pitaka ko.

"Ito po."

Ini-start na ni kuya ang makina ng tricycle niya. "Manong!" tawag ko rito at lumingon siya sa akin.

"Bakit?"

"May alam po akong short-cut palabas dito." tila naniwala siya sa sinabi ko at tinuro ang daan na kasalungat sa daang ikakamatay niya.

Hindi lang kasi siya ang mamamatay. Pati rin ang matandang babaeng tumatawid ay nakita kong mamamatay.

Walang ano-ano'y tumulo ang aking luha. I breathed in and out while composing myself.

Nang kumalma ay napag-desisyunan ko nang pumasok sa complex.

"Hija? May hinahanap ka ba?" napalingon ako sa aking gilid nang marinig kong may tumawag ng atensyon sa akin.

Napahinga ako ng malalim nang magtama ang aming mata ngunit wala akong nakita. I'm glad that she's safe. I think nasa mid-60 na sa siya, based on her appearance.

Ngumiti ako. "Hinahanap ko po si Euro."

Tila kumunot ang noo nitong sinusuri ang aking itsura. "Kaano-ano mo ang batang iyon?"

"Kaibigan po."

Ilang segundo ring nakatitig sa akin si Nanay. Akala ko'y ipagtatabuyan niya ako pero ngumiti siya and motioned me to follow her.

Nakayuko akong naglakad dahil maraming mata ang nakatingin sa akin.

Naramdaman kong huminto sa paglalakad si Nanay sa isang pinto rito sa ikalawang palapag ng bahay.

Humarap ito sa akin at ngumiti ng malapad. "Mabuti naman at nakakita na siya ng kaibigan. Ilang araw na ring hindi lumalabas si Euro diyan. Sana naman ay ayos lang siya." malungkot niyang saad.

Hindi na ako sumagot and I gave her a reassuring smile.

Bumaba na rin si Nanay at naiwan akong mag-isa sa harap ng pinto. Wala na akong inaksayang oras at kumatok na roon.

"Euro!" tawag ko rito matapos ang tatlong katok.

Bakit hindi niya binubuksan ang pinto?

"Eu—"

"What are you doing here?"

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon