O34

202 13 1
                                    

January 19, 2019
. . .

Luna's POV

Today's Saturday at seven o'clock ang oras ngayon. Kakatapos ko lang magsulat sa aking diary nang maramdaman ko ang gutom.

Gosh, hindi pa pala ako kumakain.

Sinuot ko ang jacket ko at lumabas ng bahay para pumunta sa malapit na store to buy some food.

Ordinaryong araw lang ang nangyari sa dalawang araw na nagdaan. Walang masyadong ganap sa mga mata and I'm so happy kasi nagkaroon ako ng break from my reality.

Si Euro naman ay busy sa school dahil graduating student na siya and at the same time, nagta-trabaho rin siya. Habang ako? Wala lang, nothing special.

Lumiko ako sa isang madilim na eskinita. Ito kasi ang shortcut ko parati para mabilis na makapunta roon. Marumi man at hindi sumasang-ayon sa ilong ko ay okay lang, atleast makakakain.

Napatigil ako sa paglalakad nang may maramdamang nakatingin sa akin mula sa likod. Lumingon ako pero wala akong nakita. Baka paranoid lang ako.

Is it me lang or parang deja vu ang nangyayari?

Inalis ko na lang iyon sa aking isipan at nagpatuloy sa paglalakad. Wala pa ako sa panglimang hakbang nang maramdaman kong muli iyon kaya naman ay tumigil na ako at balak nang bumalik at lumabas sa madilim na eskinita pero...

"Ahhhhh!" sigaw ko nang takpan ng tela ang bibig at ilong ko.

Bakit parang nakakahilo.

"Bitawan mo ako!!" pagpupumiglas ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa upang makatawag ng tulong pero huli na.

Huli na dahil kinain na ako ng kadiliman.

Euro, help me.

. . .

Euro's POV

Kakatapos lang ng part-time job ko. Papunta ako ngayon sa bahay ni Luna dahil panigurado, wala 'yong pagkain at wala siyang kasabay mag-dinner.

Pagkatapos kong makabili ng ulam at kanin ay nahagilap ng aking mata ang isang tindahan ng mga bulaklak.

Napangiti ako at tumawid papunta roon. Siguradong magugustuhan ni Luna ito. I'm sure she will.

"Ano pong sa inyo sir? Para sa girlfriend niyo po ba?" tanong ng tindera.

I nodded and smiled at that thought. Balang araw.

Masaya kong bitbit ang bulaklak. Malapit na ako at nai-imagine ko na ang mukha niya kapag nakita niya ito.

Cute.

Pero hindi ko alam but I felt something strange nang makitang patay lahat ng ilaw sa loob ng kanyang bahay. Maaga bang nakatulog si Luna? Or she went out?

Bumilis ang lakad ko. Nang makapunta sa harap ng pinto ay napamura ako nang wala sa oras. "Shit, naka-lock."

Mabuti na lang at may spare key dito si Luna na nakatago sa paso katabi ng pintuan. Hindi niya alam na alam kong meron.

Nang makapasok ay agad kong nilapag ang mga bitbit ko sa mesa at hinanap ang babaeng mahal ko.

Binuksan ko lahat ng pintuang meron sa loob ng bahay na ito pero wala ni isang trace na nandito si Luna.

"Fuck, where are you?" I cursed habang tinutungo ang direksyon palabas. 

I dialed her number pero unattended siya. What the hell is happening, Luna?

Hindi ko na alam ang ginagawa ko pagkatapos noon. Tumakbo lang ako ng tumakbo at pinuntahan ang mga pinupuntahan niya pero wala siya roon.

Where are you, Luna?


Luna's missing. tell me your thoughts guys by commenting below. love yah!

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon