O26

214 15 1
                                    

January 2, 2019
. . .

Luna's POV

"Saan ka pupunta?" Euro asked nang makita niyang nililigpit ko ang aking gamit.

Susundan ka.

"Aalis na rin."

"Why?"

"Hindi ko naman 'to bahay noh!" sarcastic kong sagot.

He smiled. "Okay, ihahatid na lang kita."

Lumabas na kami ng apartment niya at sabay na naglakad. Tumingala ako sa kanya. "'Wag na pero sure ka? Hindi na ba talaga masakit ang ulo mo? Baka mabinat ka."

Lumingon siya sa gawi ko at ngumiti. Napatigil naman ako sa paglalakad at gayon din siya. "Simula nang dumating ka, naging okay na ako." makahulugan nitong saad.

Ayokong mag-assume.

"Wala kang motor?" tanong ko nang makababa kami mula sa 2nd floor.

Umiling siya na labis kong ikinabahala. Wala siyang motor sa nakita kong trahedya. Muli kong tinignan ang kanyang mga mata, nandoon pa rin ang kanyang kamatayan.

Mas lalo akong kinabahan nang mapansin kong pareho ang damit na kanyang suot ngayon at sa kamatayan niya. Today's his death.

"Ihahatid na kita." nakangiti niyang saad. I can't lose that smile of yours, Euro. Pinilit kong hindi umiyak, mabuti naman at gumana.

"Ayos lang ako. You said it was an urgent, right? Go na!" hindi ko na siya hinintay pa magsalita at naglakad na pasalungat sa kanyang daraanan.

I bid him a goodbye at saka ngumiti. He also did the same thing at naglakad na rin. Bago pa ako makalayo at mawala sa paningin ko si Euro ay nagtago ako sa isang kotse na naroon at pilit na sinisilip ang nakatalikod na lalaki habang naglalakad.

Haist. Feeling ko isa akong secret agent sa pinagagawa ko.

Lumiko siya sa isang eskinita kaya ginaya ko siya at lumiko rin.

The place was quite dark, nagkalat ang pupos ng sigarilyo sa daan, dikit-dikit ang mga bahay at ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang maliit na espasyo sa pagitan ng mga bahay. I hate seeing this kind of scenario, feeling ko ay nasu-suffocate ako.

Pero my thoughts suddenly flushed away when I noticed the place was just like the place I saw in Euro's eyes. Ito na nga iyon.

Lumingon ako sa kanan ni Euro at hindi nga ako nagkakamali. Isang hindi kilalang lalaki ang nakatayo roon at nagtatago. Siya ang walang-awang babaril kay Euro.

The culprit positioned himself at ako nama'y mabilis na tumakbo patungo sa direksyon niya.. ni Euro.

Nang makalapit ay agad ko siyang niyakap at kasabay noon ay ang nakakarinding putok ng baril. Napasinghap ako at malamlam na tumingin sa mga mata niya.

Wala na. I smiled.

Masaya kong pinikit ang aking mga mata at kasabay noon ay ang pagbagsak ng aking katawan sa kanyang mga kamay.

"L-luna? L-luna!" rinig ko pang sigaw nito.

Gustuhin ko mang tignan pa ang kanyang mukha ay hindi ko na magawa. Sa huling pagkakataon ay ngumiti ako bago ako kainin ng kadiliman.

I'm glad you're safe, Euro.

. . .
at dito na po nagtatapos ang kwento ni Luna! hooray!

joke lang. marami pa ang mangyayari kaya diyan lang kayo. 'wag niyo muna akong iwanan. haha lol.
. . .

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon