O13

239 13 0
                                    

December 27, 2018
8:00 PM

Dear Diary,

Gonna tell you guys a story.

Today's Thursday. Wala akong dinner kaya I decided to bought some sa isang fast food restaurant. I wore my beanie jacket and went outside na.

"Hi Ma'am! What's your order?" masiglang tanong ng babaeng nasa counter.

I looked at her eyes. Shit, not again.

. . .

"Ma'am?"

Napabalik ako sa reyalidad. Pinilit kong hindi umiyak at mabuti na lamang ay hindi tumulo ang aking mga luha.

Sinabi ko ang order ko sa kanya. Halata sa mukha niya ang pagod, namumutla na siya, ang mga mata niya ay namamaga dahil sa puyat.

I saw her death. Namatay siya dahil sa overfatigue.

"Here's your take-out, Ma'am."

"Thanks." I said as I get my order.  Bago pa ako makaalis ay muli ko siyang hinarap. "And please, get some rest. Drink water and don't overdue your body."

Medyo nagulat siya sa sinabi ko pero tumango na lang din. "Salamat po."

Pagkalabas ko ay agad na naramdaman ko ang mahinang pagpatak ng ulan. Haist, bakit ngayon pang may dala akong pagkain?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at naglakad na papuntang bahay bago pa lumakas ang ulan. Pero talaga ngang nang-aasar ang panahon at mas lumakas ang pagpatak nito.

Pilit kong tinago ang pagkain sa katawan ko upang hindi mabasa. Sayang naman kasi.

And to make it short, basang sisiw na akong nakauwi.

Minalas,
Luna

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon