OO8

305 23 1
                                    

December 22, 2018
. . .

Luna's POV

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!"

Pumikit ako, humiling at hinipan ang kandila.

"Happy birthday, Miss!"

Tinignan ko ang mata niya at napahinga ng malalim nang wala na akong nakitang panganib doon. Ligtas na siya.

"Thanks."

Nagsimula na niyang hatiin ang cake. "For you." abot niya sa akin ng kapiraso ng cake sa platito. Nginitian ko siya bilang pasasalamat.

Kumuha rin siya ng para sa kanya.

"By the way, my name is Euro."

"I'm..." sasabihin ko ba ang pangalan ko? Haist. Bahala na. "I'm Luna."

We both shook our hands.

"Wala ka bang kasama rito?"

"Wala."

"Wala ka bang pamilya?"

Malungkot akong ngumiti. "Wala na silang lahat."

"I'm sorry, Luna." tumingin ako sa kanya at nakita ang nagaalalang mukha niya.

"It's fine. Ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanila iyon." binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Simula pa lang ay alam ko nang mangyayari iyon sa amin. Alam kong mamamatay kami pero mas pinili kong isipin ang sarili ko."

"You're crying again." tumayo siya at pumuwesto sa tabi ko.

Inangat ko ang ulo ko. Binuka naman niya ang dalawang kamay niya, "Free hugs from Euro." ngiting sabi nito.

Tumayo ako at niyakap siya.

"Hindi mo kasalanan ang nangyari, walang may kasalanan." bulong niya habang hinihimas ang aking buhok.

Walang may kasalanan.

Habang hagkan-hagkan niya ako ay naramdaman ko ang pakiramdam na matagal ko nang hindi nakikita, ang maging ligtas. I feel safe once again.

I'm safe between his arms.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon