O25

214 14 2
                                    

January 2, 2019
. . .

Luna's POV

"Masarap ba?" nag-aalala kong tanong dito nang makasubo siya ng lugaw na aking niluto.

Saglit na natigilan ito at tumingin sa akin. "May kulang ba?" I added.

Ilang segundo rin siyang nakatingin sa akin at tila ino-obserbahan ang aking kinikilos. He smirked at nag-scoop ng lugaw.

Akala ko ay para sa kanya iyon pero nagulat ako nang ilapit niya ito sa aking bibig.

"Ahh." sabi niya.

Nagtataka man ay ngumanga ako at kinain ang lugaw na aking ginawa.

Akala ko masarap. Akala ko lang pala.

Wala sa sariling napatayo ako at tumakbo sa lababo upang iluwa iyon, hindi pa ako nakuntento kaya naman ay nagmumog pa ako. Grabe ang panget ng lasa!

Bumalik ako sa dining table at nanlaki ang mga mata ko nang makitang kinakain niya pa rin ang pagkaing niluto ko.

"Hey, what are you doing?" masungit na tanong nito nang akma kong kukunin ang bowl.

"Eh ikaw, what are you doing? Ang panget-panget ng lasa nito. Baka lalong lumala ang sakit mo!" suway ko sa kanya. Kukunin ko nang muli ang bowl pero sa pangalawang pagkakataon ay inilayo niya ito sa akin. "Ibibili na lang kita ng masarap."

"I don't want to." parang bata nitong saad.

"Euro naman."

"What?" inosente niyang tanong at muling kumain.

"Ang panget ng lasa eh."

"So what? For me, masarap ito because you made it." he sincerely said, looking straight into my eyes.

"Euro."

He smirked. "Stop disturbing me from eating, Luna."

. . .

"Magpalit ka na ng damit mo, for sure sobrang pawis mo na naman." I said as I handed him his shirt.

Lumapit ako sa kama kung saan siya nakahiga. Nakangiti lamang siyang nakatingin sa akin at agad na nagtama ang aming mga mata.

No, not again.

Nagulat ako nang may yumakap sa akin. Ilang minuto lang ay bumitaw siya sa pagkakayakap. Hinawakan niya ako sa isa kong balikat at ang isa naman ay pinunas niya sa aking pisngi.

I'm crying?

"Luna?" he asked worryingly.

"Euro," matapang kong tinignan ang kanyang mga mata. "maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa'yo na nakikita ko ang pagkamatay ng isang tao?"

Nanatiling nakatitig lamang sa akin si Euro.

"Hindi mo ba ako pagdududahan kung sasabihin ko sa'yong nanganganib ang buhay mo?"

"Anong sinasabi mo, Luna?" halata sa mukha niyang naguguluhan siya.

"Euro, I saw your death ngayon-ngayon lang." nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

"Luna."

"Alam kong hindi ka maniniwala pero iyon ang totoong ako, Euro. Nakakakita ako ng mga pangyayaring hindi dapat makita ng mga tao. I can see death, Euro. At ngayon, sa pangalawang pagkakataon, I saw your death." huminga ako bago nagsalita muli. "Maiintindihan ko kung iiwasan mo ako at kakatakutan, pero please, sana mag-stay ka lang dito sa bahay for a week. Please, I can't handle to lose another special person to me." pagmamaka-awa ko sa kanya habang walang katapusang umaagos ang aking mga luha.

He gave me a questionable look.

"Please, Euro?"

Hindi pa siya nakakasagot nang tumunog ang phone niya. Agad niya itong kinuha at sinagot.

"Hello?" rinig kong tanong niya bago makalabas ng tuluyan sa silid.

Lumabas na rin ako ng silid at naghintay sa kanya habang nakaupo sa sofa.

"I need to go, Luna." napalingon ako sa gawi niya.

"But you're at risk."

"This is really important, Luna. Please let me leave."

Huminga ako nang malalim. "Fine."

You leave me no choice then.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon