O11

269 18 0
                                    

December 25, 2018
. . .

Luna's POV

Kakagising ko lang at kasalukuyan akong nakaupo sa aking kama. It's 12 in the midnight. Ngumiti ako at tumingala sa kisame.

Merry Christmas, everyone.

Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang may narinig akong nag-doorbell. Sino namang matinong tao ang pupunta rito ng ganitong oras?

Hindi na ako nag-aksaya ng oras para ayusin ang sarili ko. Agad akong nagtungo sa pinto.

Laking gulat ko nang malaman kung sino ang nakatayo sa harap ko ngayon.

"Merry Christmas!" nakangiting bati niya sa akin.

"Euro?"

He gave me a quick wink, "The only one."

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang maamo niyang pagmumukha. Gwapo siya in all fairness. Para sa isang taong nagta-trabaho at the same time ay nag-aaral, he looks young, fresh and it's pleasing to look at.

Parang nahiya ako sa itsura ko ngayon. Kakagising ko lang, walang hilamos, walang toothbrush, panigurado ay may muta pa ako sa gilid ng mga mata ko at bakat pa sa aking mukha ang masarap na pagtulog.
Wala sa sariling napatakip ako nang mukha.

"Pwedeng papasukin mo ako?"

Umiling ako, "Wala akong handa." habang tinatakpan ng dalawang kamay ko ang aking buong mukha, tila ang mga mata lang ang nakalabas.

He chuckled at tinaas ang dalawa niyang kamay. "I brought some." Tinignan niya ako ng seryoso, "And please, don't cover your pretty face."

Hindi ko siya sinunod. Pinapasok ko siya sa bahay at iniwang mag-isa sa dining area. Nagpaalam akong magaayos lang muna saglit, tumango lang siya at ni-ready ang mga pagkain sa hapag.

. . .

"You don't have to do this." mataman ko siyang tinignan habang nakatayo ako sa isang gilid.

Huminga ito nang malalim, "I want to do this, Luna."

"But why do I have this feeling na you're just pitying me? Naaawa ka lang sa'kin, Euro. You're doing this kasi naaawa ka." sagot ko.

"I'm a friend. I'm not pitying you, I just want to make you happy. That's all." hindi na ako nagsalita. Sinenyasan niya akong umupo na kaya sumunod ako.

Magkaharap kami ngayon ni Euro. Hindi siya umiimik habang kumakain. Siguro nasaktan ko talaga siya.

"I'm sorry."

He gave me a soft smile at tumingin sa akin. "It's fine, just don't belittle yourself, Luna."

We shared stories to each other. Mostly, siya ang nagku-kwento at nagshe-share ng happenings sa life niya. Nakakapagtakang ang gaan na niyang kasama, feeling ko matagal na kaming magkaibigan. Halos alam na namin ang buhay ng isa't-isa. May isa na lang akong hindi nasasabi sa kanya.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon