O28

212 12 0
                                    

January 12, 2019
5:33 PM

Dear Diary,

Hi Diary! Long time no write ah! Hahaha. Anw, nasa ospital pa rin ako. Hindi naman gaanong malala ang natamo kong sugat pero buti at hindi naapektuhan ang iba kong organs. Ngayon ay nagpapagaling na lang ako and anomang araw ay makakalabas na ako rito.

Nandito rin si Euro, nasa sofa at natutulog habang hawak ang isang librong binabasa niya kani-kanina lang. Haist, sorry at naabala ko siya ng super bongga. Araw-araw siyang nandito at ayaw niyang umuwi. Mabuti na lang at may pasok siya sa eskwelahan kaya naman minsan ay napapauwi siya.

Kumusta na kaya ang mga lesson ko?

Oo nga pala! The moment na nagising ako ay sinabi ko na sa kanya ang lahat-lahat. Lahat ng sikreto ko, ang patungkol sa kakayahan ko.

Alam na niya at sana paniwalaan niya.

Gotta go, Diary. Mangungupit po ako ng notes kay Euro. Hehehe.

Nag-aalala kung ga-graduate pa siya,
Luna

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon