O33

219 14 1
                                    

January 16, 2019
. . .

Luna's POV

"Aray!"

Sinamaan ko siya ng tingin at muling binalik ang atensyon sa paggamot ng mga kanyang sugat.

"Ikaw naman kasi. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" tanong ko. "Sinabi ko naman sa'yong 'wag ka munang pumasok, 'yan tuloy."

"Role model kita eh."

I rolled my eyes at him na ikinangiti niya. "Saan pa masakit?" tanong ko habang ine-examine ang kanyang katawan.

"Dito oh." nakanguso niyang saad habang tinuturo ang gilid ng kanyang labi. Napataas ang tingin ko sa kanyang mukha at lumapit pa lalo sa kanya upang makita ang sugat.

"Magaling na naman siya ah." bulong ko habang mainam na sinusuri iyon. Nagtaka ako nang hindi siya sumagot kaya naman ay tinignan ko siya sa mata.

I saw him staring at me. Noon, kapag may nakakatagpo ang aking mga mata ng isa pang mga mata ay nakikita ko ang kanilang kamatayan. But today isn't. All I can see in his eyes are joy and love. At sa tingin ko, ganon din ang akin.

I'm happy that I met my rainbow after the storm.

Tama nga ang sinasabi nila, bibilis ang tibok ng puso mo at makakaramdam ka ng mga paru-paro kapag kaharap mo ang taong mahalaga sa'yo.

"Luna," he whispered. "I love you."

Ang dating mabilis na tibok ng puso ko ay mas lalong bumilis, as if parang aatakihin na ako any minute. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Unti-unting niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin, inaalis ang espasyo sa pagitan namin. Hanggang ang mga ilong namin ay magkadikit. I closed my eyes, waiting for him to claim mine.

Ito na ang first kiss ko!!!

He touched both of my cheek at naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang ulo. He kissed my forehead, full of care and love.

Sayang naman.

Teka, nanghihinayang ba ako? HINDI NOH!

. . .

"Kakapasok lamang po na balita. Dalampu't isa ang nasawi sa nasabing banggaan ng mga rebelde at sundalo. Labing dalawa ang napatay sa kampo ng mga rebelde at siyam naman ang nawalan ng buhay sa mga sundalo. Hindi nga natin inaasahan ang sagupaan ng dalawang panig ngayong araw na ito—"

Nandito pa rin kami sa bahay. Tahimik na nanonood ng TV habang ngumunguya ng pagkain.  Pagkatapos ng scene na ginawa ni Euro kanina ay walang awa ko siyang itinulak palabas ng bahay. Nakakahiya kasi eh.

Pero ang loko, bumalik pa at may dalang mga paborito kong pagkain. Hindi naman ako maka-hindi kasi hello? Food iyon, 'wag nang pa-choosy.

"Kawawa naman sila, bakit ba kasi sa lahat ng aspekto may awayan?" komento ko at sumubo ng isang kutsarang ice cream. Wala na nga akong napapanood na positive news, puro patayan naman.

We can live naman without dahas, right? Nakakainit lang ng ulo.

Euro chuckled at ginulo ang buhok kong parang isang tuta. Kanina ay ginawa niya akong lola tapos ngayon tuta? What's next kaya?

Joke lang po.

"That's how world revolves. Hindi talaga maaalis 'yung fact na mayroon talagang mga taong masasama."

Huminga ako ng malalim. Gusto ko ng peace sa Earth, please! Kasi tingin ko, iyon na lang ang tanging solution para hindi ako makakita ng darkness sa mga mata ng tao.


malapit ng matapos ito, pips! konting kembot na lang. super love ko talaga si Euro, dream guy q!

votes and comments are highly appreciated.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon