Epilogue

397 27 10
                                    

Euro's POV

"Namatay po si Luna, Lolo?" tanong ng batang lalaking nakaupo sa sahig. Siya si.. Sino nga ulit ito?

"Hindi mamamatay si Wuna (Luna), bida kaya siya!"

"Tama na po, Lolo." naiyak na sabi ni Rian habang pinupunasan ang kanyang mga mata.

Ngumiti ako.

"Bukas na lamang ang sagot mga apo. Inaantok na si Lolo at kailangan na niyang matulog." tumayo na ako at pinagpagan ang aking suot.

Narinig ko pang nag-atungal ang mga bata pero ngumiti na lamang ako.

Humiga ako sa aking kama.

Matapos ang pagkamatay ng babaeng mahal ko ay hindi ko sinunod ang sinabi niyang 'wag sisihin ang aking sarili. Oo, namatay siya.

Pero sinunod ko ang huling hiling niya sa akin, nabuhay ako ng matagal at masaya (siguro). I'm now a 85 year old man, waiting to meet his woman.

Hindi na rin ako nagkaroon pa ng kasintahan at asawa. Wala kasing nakapantay kay Luna, siya lang ang nasa puso ko.

Masaya kong ipinikit ang aking mga mata.

. . .

"Euro."

Bumaling ang tingin ko sa aking likod.

"Luna!" agad ko siyang nilapitan at niyakap. "I missed you every damn seconds." bulong ko sa kanya.

"Ako rin, Euro."

Humiwalay ako sa yakap at tinignan siya. Lalo siyang naging maganda sa aking paningin at halata mo sa kanya na sobrang saya niya.

Mabuti naman.

"Bumalik ka." saad ko habang tinitignan siya nang hindi makapaniwala.

"Sabi ko naman sa'yo, diba? Magkikita pa tayo." natatawa niyang sagot at kumindat.

Cute.

"Euro," tawag niya sa akin muli. "tara na?"

Nilahad niya ang kanyang kamay, wala na akong inaksayang oras at hinawakan iyon. Sabay kaming naglakad patungong paraiso habang masaya at walang problema.

Finally, I'm home. I'm with Luna, once again.

Binabati kita dahil iyong napagtagumpayan ang librong ito. Tapos na siya, sa wakas!

Salamat sa lahat ng sumuporta at nagbasa nito. Maraming salamat with all my heart. For the silent readers, salamat din. Love you all!

Luna ;— signing off.

ANNOUNCEMENT!!!

thank you so much for reading this short story of luna, everyone!

[2021] i wrote this years years years ago and sorry for the lame plot and errors. i'll edit this in future!

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon