OO5

412 20 1
                                    

December 21, 2018
9:45 PM

Dear Diary,

Nakakita na naman ako, Diary. Nanginginig pa ako habang sinusulat ito. Hindi ko alam kung saan magsisimula, sana ayos lang siya.

Pumunta ako sa isang convenience store para bumili ng iced coffee. May nakabangga ako papasok ng store. Hindi ko tinignan ang kanyang mukha at nanatiling nakayuko. Pero babae siya at halatang balisa base sa kanyang galaw.

Nang papunta na ako sa counter ay biglang nagtama ang aming mga mata.

Napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko at naramdaman ko ang mga luhang pumapatak sa aking mukha.

Tila naguluhan siya sa ikinilos ko at mabilis na lumabas sa store habang bitbit ang iba't-ibang uri ng mga gamot.

Bago pa siya tuluyang makalabas ay pinigilan ko siya at hinawakan sa braso.

"Please, 'wag mong gagawin 'yan. Mabuti kang tao." iyan ang mga katagang sinabi ko sa kanya. Ilang segundo niya akong tinignan at mabilis na naglakad paalis.

I saw her death. Ang mga gamot na kanyang binili ay siya niyang gagamitin sa pagpatay sa kanyang sarili. She'll kill herself.

Sana naman ay maging maayos siya.

Humihiling,
Luna

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon