O38

200 13 5
                                    

January 21, 2019
. . .

Luna's POV

11 PM na pero heto pa rin ako't hindi makatulog. Hindi ko na alam kung ilang ikot na sa kama ang nagawa ko. Nag-aalala kasi ako kay Euro. Actually, kakatapos ko lang siyang tawagan at mukhang naistorbo ko ang pagtulog niya.

Hindi lang talaga kasi ako mapalagay knowing na nasa panganib siya.

Huminga ako nang malalim at inayos muli ang aking sarili mula sa pagkakahiga. I need to sleep na!

Papikit na ako nang maramdaman kong bumukas ang bintana dahil sa malakas na hangin. Sobrang lakas ah.

I rolled to my left side para i-confirm kung tama ang aking deduction. Pero sa halip na bukas na bintana ang makita ko ay isang bulto ng katawan ang lumitaw sa aking harapan.

Napasinghap ako sa nakita. Sa sobrang pagkabigla ay hindi ko na nagawang maka-react ng ayos. Lalaki siya, matangkad, naka-all black suit siya, disenteng tignan ngunit pumapaibabaw sa kanya ang nakakatakot na aura.

Ang creepy.

Though halos maihi na ako sa takot, I tried to be brave. "S-sino ka? A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

Pumalakpak niya at sa pagpalakpak niyang iyon ay bumukas ang ilaw na nagsilbing liwanag.

Maliwanag ko nang nakikita ang kanyang mukha. He's not familiar. Hindi siya mukhang rapist, hindi rin mamamatay tao at lalong hindi mukhang magnanakaw. Pero enough na ang dark aura niya para matakot ako ng sobra.

"Sino ako? Sorry, Luna Dacres, pero walang pangalan ang mga grim reaper na katulad ko. Gumagamit lamang kami ng codename para sa mga misyon." formal nitong sagot. Napakunot ako ng noo sa narinig. Grim reaper?

Lahat na 'ata ng unan ko ay yakap-yakap ko na. Pati rin ang kumot ko ay halos italukbong ko na sa aking buong katawan.

I pinched my right arm making sure na I'm not dreaming right now. Laking disappointment ko nang masaktan ako sa aking pagkurot. Hindi ito panaginip.

Nakatingin lang ako sa kanya. Nang makumbinsi niyang hindi ako magsasalita ay binuka na niya ang kanyang bibig.

"Ako ay si B-821, pinadala ako ng kinauukulan dito dahil may gustong iparating sa iyo ang aming A-000." tuwid niyang saad in a formal way.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot na tumatakip sa katawan ko at tinignan siya nang nagtataka. "Ano 'yun? Mamatay na ba ako? Kukunin mo na ba ang kaluluwa ko? Magiging isa ba akong grim reaper na katulad mo? Ano?" sunod-sunod kong tanong.

"Luna Dacres, nasangkot ka noon sa insidente na nagparalisa ng sistema mo. Dapat ay mamamatay ka na noon, si A-000 ang may hawak ng kaso mo at siya ang dapat na susundo sa kaluluwa mo."

"Huh?" nagugulahan kong tanong. Sumakit ang dibdib ko sa narinig, wala sa sariling napahawak ako roon.

"Ikaw ay patay na dapat ngayon at wala na sa mundo ito. Nakasulat ang pangalan mo sa mission card ni A-000. Pero sa hindi malamang dahilan ay milagro kang nabuhay. Ayon sa batas, ang mga pangalang nasa mission card na nabuhay ay makakaranas ng delubyo at ang lahat ng malalapit na tao sa kanya ay mawawala. At isa pa, sa bawat kaluluwa na iyong nililigtas ay maraming tao ang namamatay."

A-ano? Ibig sabihin ay hindi lamang coincidence ang nangyayari? Ang pagligtas ko sa babaeng balak magpakamatay ay buhay ng pamilyang nasunugan ang kapalit. Pati rin ang pagligtas ko kay Euro, maraming tao ang nasawi.

Hindi ko na kinaya ang naririnig ko sa lalaking ito. Inis ko siyang tinignan at tumayo sa harapan niya. Buong lakas ko siyang sinampal ngunit tumagos lamang ang aking kamay dito. "Nakakainis ka na ha! Ano bang problema mo? At anong kasinungalingan ang pinagsasabi mo?! May drugs din ba ang mga grim reaper?!"

Pero imbis na sagutin ako ay malamig lang siyang nakatingin sa akin. "Ang pamilya mo ay namatay nang dahil sa'yo. Ngayon, may isang nilalang ang nanganganib muli nang dahil sa'yo. Kahit malusutan niyo ang kamatayan ngayon ay uulit-ulit lamang ang mga mangyayari hangga't hindi siya namamatay. Palala ng palala ang mga mangyayari sa kanya. Alam mo naman siguro kung sino ang aking tinutukoy, diba?"

My tears started to fall. Ako ang may kasalanan, matagal ko nang alam iyon pero masakit pa ring marinig ang katotohanang iyon.

"Wala na bang paraan upang maging ligtas si Euro?" umiiyak kong tanong habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa aking mga mata.

"Mayroon pa."

"Ano?"

"Ang mamatay ka at itama ang pagkabuhay mo noon, sa ganoong paraan ay mawawala na ang sumpa sa iyo at magiging ligtas ang lahat ng nakapaligid sa'yo."


2 chapters to go before the epilogue.

votes and comments are highly appreciated.

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon