O3O

207 14 1
                                    

January 15, 2019
7:59 PM

Dear Diary,

Diaaaaaryyy!!! Ang astig lang nang nangyari ngayon...

Pauwi na kami ni Euro. Yap, sabay kami parati since he always insisted na ihatid ako kahit hindi naman kailangan.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makasalubong akong isang babae. Matangkad siya, maganda sexy at mukhang mayaman. Tila naalerto naman si Euro at tinignan ako ng may pagtataka.

Lumingon ako sa likod kung saan naglalakad pasalungat sa amin ang naturing na babae. She's the type of girl na mapapalingon ka sa kanya ng dalawang beses kapag nakita mo siya. Nasa kanya na ang lahat pero malapit na ang oras niya.

I saw death, once again. Sa isang abandonadong lugar, naroon siya. Nakahiga, walang saplot ang katawan at puno ng dugo ang kanyang hinihigaan.

Wala sa sariling sinundan ko ang babae.

"Luna!" tumingin ako sa gawi ni Euro. Ay oo nga pala, kasama ko pala siya. "Saan ka pupunta?"

"I need to save that woman!" I panicked habang tinuturo ang nakatalikod na babae. "Mauna ka na, Euro." at tuluyan nang umalis.

I casually followed the woman. Inikot ko rin ang aking paningin, looking for the culprit who'll do that. Pero ni isang anino ng kahinahinalang tao ay wala akong nakita.

"Excuse me?" literal na bumilog ang mata ko nang in-approach ako ng babaeng sinusundan ko.

The heck!

"Dadaan ka po ba?" I mentally slapped my mouth for saying that. Ang rude mo Luna!

She sarcastically laughed. "Sinusundan mo ba ako?" mataray nitong tanong.

Wow ha! Ako na nga itong nagmagandang loob na iligtas ka pero susungitan at tatarayan mo pa ako? 'Wag kaya kitang iligtas!?

Sasagot na sana ako nang may biglang umakbay sa akin. "Babe, sorry I'm late." inis akong tumingala at napasinghap nang makita kung sino ang gumawa nito.

"Euro?"

"Hey, babe."

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon