O16

226 13 0
                                    

December 28, 2018
. . .

Euro's POV

Dali-dali akong lumabas ng bahay matapos ng huling text namin ni Luna. I used my motor papunta sa kaniya para mas maging mabilis.

That girl is really stubborn.

Nang makarating sa bahay niya ay agad akong nag-doorbell. Naghintay ako ng tatlong minuto bago bumukas ang pinto.

"Euro!" mahinang sabi niya. Fuck. She looks like a mess.

Agad kong hinawakan ang noo niya. "Damn, ang init mo!"

Napahinga ako ng malalim at binuhat siya papunta sa kwarto niya bago pa siya mahimatay. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. May sakit nga 'to.

Nang malapag ko na siya sa kama niya ay agad akong pumunta sa kusina at hinanda ang lugaw na binili ko sa kanto. I also prepared her lukewarm water and medicine.

"Mom please, don't leave. Dad, listen to me please. We're going to die." bulong ni Luna nang makapasok ako sa kwarto niya. Nilapag ko ang bitbit ko sa lamesa at agad siyang tinungo.

She's having a nightmare. Pawis na pawis siya at halata mo sa mukha niya ang pagkabalisa.

"We're going to die." paulit-ulit na saad nito habang nanginginig ang mga kamay. "We're going to die!"

"Luna." tapik ko sa kanya.

"We're going to die."

Fuck, she's crying.

"Luna, wake up!" malakas kong sabi sa kanya habang pilit siyang ginigising.

Nagmulat ang kanyang mga mata at agad na nahagip ang aking pigura. Balisa siyang umupo sa pagkakahiga.

Mabilis ko siyang niyakap at pinatahan. "Hey, you're just dreaming. I'm here, okay?"

Naramdaman ko siyang tumango. "Don't leave me, Euro. Please."

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Humiwalay ako sa yakap at hinarap siya. "I won't leave you, Luna. Never." I assured her, kissing her temple.

Pagkatapos ay sinubuan ko siya ng lugaw at pinainom ng gamot. Mainit pa rin siya kaya naman ay pinagpahinga ko na siya.

Umupo ako sa upuang nasa tabi ng kanyang kama.

Luna Dacres. I smiled as I wondered my eyes at her beautiful face. She's kind, genuine and optimistic. She really is something; — Something  na gusto kong protektahan at alagaan.

Natigil ako sa pagiisip nang may matamaan ang aking mata. A diary. Mayroon pa palang nagsusulat sa mga ganoon.

Cute!

©
sourgeon, 2018

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon