Chapter Two

54 2 0
                                    

Iniwan ako ni Jaydee na parang tangang nakatingin sa kanya.

Habang papalayo siya sa akin. My chest tightened...

Feeling ko pati siya mawawala na din sa akin. Feeling ko pati siya napapagod na rin akong intindihin. Hindi ba nila ako maintindihan?

I was just hurt....

And, I'm still hurting.

Kasi pakiramdaman ko..sa akin lahat ang sisi.

Ako lahat ang may kasalanan....

Ate, bakit mo ba ako iniwan na mag isa?

Bakit mo ba hinayaan na ako lang mag isa ang lalaban?

Why did you choose to die, than to live?

Hindi ko maiwasang itanong sa hangin. Para akong tanga....bakit pa ako magtatanong kung patay naman na yung tao... For god sake, Jeys!

Lubayan mo ang ate mo, patahimikin mo na siya.God!

Napahilamos na lang ako sa mukha ko. I just want to know why! I need answer....kasi baka tuluyan na akong mabaliw dito. Para akong nangangapa sa dilim, na wala man lang dalang kahit anong ilaw. Kahit kandila man lang o flashlight.

Hindi ko na kasi alam yung gagawin ko. I tried to act okay and smile to hide the pain...

Unti unting lumiliit ang anino ni Jaydee sa paningin ko.... Wala akong magawa.... Wala akong magawa para hindi hayaang mawala yung mga taong nag mamalasakit pa rin sa akin..

I know, like me...they'd also in pain. We both in pain... But, what can I do?

I just want to run away.. I just want to hide...and hindi na magpakita pa sa kanila. I wanted to do it.

Gusto ko na lang matapos ito. Pero, hindi ko kaya...

I just can't.....

Tumalikod na ako para maglakad na din papunta sa susunod kung klase...Tapos na ang break at hindi na naman ako kumain.

Ilang araw na ba akong hindi kumakain?

Tama nga ata si Jaydee, pinapatay ko nga ang sarili ko.

Habang naglalakad, may nakabungguan ako. Muntik na akong mapaupo pero mabuti na lang at bago mangyari iyon na hawakan niya yung braso ko. Napatingin ako sa kanya.

He eyed me darkly....I was just staring at him. Chinito siya, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata at may mga mapupulang labi, sobrang puti niya....

Para akong nasisilaw sa liwanag.

I know this guy....

I bumped to a guy named Jestin.
The Jestin Santillanna. Of course. Sino bang hindi nakakakilala sa kanya? He's so damn famous everywhere.

Everyone loves him.

Pati nga ang ate ko, mahal siya.

Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. "You okay?" he asked.

Nagulat ako sa tanong niya. I didn't know. He'd asked me that question. Of all people..

Gusto kung isagot na "hindi." Hindi ako okay....kasi ang sakit sakit na. Pero tumango na lang ako. I parted my lips. And then leave....

Naglalakad na ako papalayo sa kanya. Kasi bakit hindi? Eh, pinagtitinginan na kami ng mga tao doon sa corridor. Ayokong ma tsismis. As long, as I can. I will avoid him. Ayokong madamay sa taong tulad niya.

Napabuntong hininga ako....pinigilan ko pala ang paghinga ko kanina. When he touched me, para akong na kuryente. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng ganoong intensidad. Hindi ko maipaliwanag...

Pag dating ko sa classroom... Pinagtinginan ako ng mga tao sa loob. Hindi ko sila pinansin, sanay na akong pinagtitinginan nila...

Pumunta na ako sa upuan ko at umupo na doon.Maya maya dumating na din si Claret at Ivana. Umupo naman sila sa tabi ko..

Ngumiti lang sa akin si Claret, I smiled back. And Ivana is Ivana, hindi niya na naman ako pinansin. Ganoon na man kasi siya, simula nung namatay si ate.

She think...ako ang may kasalanan ng lahat. She hates me to the core.

Dumating na ang guro namin para sa subject na ito.Binati niya lang kami at nagsimula na siyang magturo.He's just talking and talking sa harapan. Nasa kalagitnaan na ng discussion ng may biglang kumatok sa pintuan at umepal.

"Sorry sir, I'm late." he said. At dire-diretsong naglakad papunta sa upuan niya.

Tumango naman si sir. "Next time, don't be late Mr.Santillana" he just said....

Nagtataka ako kung bakit andito siya sa klase ko, ngayon ko lang kasi siya nakita na pumasok dito sa klaseng ito. Hindi ko alam na magkaklase pala kami.

I was staring at him blankly...ng maibaling niya ang tingin sa akin, naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kanya. He stared back at me... Ilang minuto pa kaming nag titigan ng pinutol ko ito at binalik sa harapan kung saan nag didiscuss si sir.

A minutes passed when the class ended. Uwian na. Pero, ayoko pang umuwi.

Mas gusgustuhin ko na lang na dito na lang sa school kaysa sa bahay...

Wala naman silang pakialam sa akin...Para akong isang hangin sa bahay na dinadaan daanan lang...

Inaayos ko ang mga gamit ko ng magsalita si Claret.

"Sa sabay ka sa amin?" she said. Umiling ako. Napatingin naman sa akin si Ivana.

Claret sighed. I know, I'm being unfair. Pero gusto ko na lang muna mapag isa..

Tumango siya parang pinapahiwatig na naiintindihan niya ako. "okay" she just said.

Nauna ng naglakad si Ivana. Sumunod naman si Claret pero bago pa siya makaalis. Tumingin ulit siya sa akin.. bumuntong hininga at nagsalita.

"Look, I tried to understand you. We're trying you know...Because you're hurt. Pero Jeys, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. Kami rin. Sana intindihin mo rin naman kami..." tumigil siya.

Pinag iisipan niyang mabuti kung itutuloy pa ba niya yung sa sabihin niya o hindi na.

But she decided to continue what she's telling about.

"If you keep shoting people out. Then baka, pati kami mawala na rin sayo." saad niya at naglakad papalayo.

Nakatingin pa rin ako sa kung saan siya naroon kanina. I was staring blankly...Napahinga ako ng malalim.

Napahawak din ako sa upuan. Hindi ko alam, parang bigla na lang akong mapapaupo...parang anytime matutumba na lang ako dahil sa sinabi niya sa akin. Her words like a dagger...Sumikip ang dibdib ko. Alam ko naman. Totoo naman kasi iniiwasan ko sila. Nilalayuan ko sila.

Napapikit ako...pinapakalma ang sarili. Am I being unfair or selfish?

Kung dati, okay pa ang lahat.Okay pa ang sitwasyon. Ngayon alam niyo na na hindi na. Na hindi na magiging okay pa. Kasi, diba? May mga problemang dumating na pero kahit gustuhin mang ayusin hindi na maayos.

May sugat na. May lamat na. Siguro , pwede pang ayusin pero hindi na maibabalik sa dati...

Napabuntong hininga na lang ako. May naramdaman akong nakatingin sa akin. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya...

He just stared at me blankly. And I stared back.... pero agad ko din itong iniwas. Hindi ko alam.

Hindi ko alam kung bakit sa twing tinitignan niya ako ay parang mapapaso ako. I parted my lips. At saka naglakad na palabas ng classroom.

Made For You Where stories live. Discover now