Chapter Eight

26 1 0
                                    

Rinig ko ang kalabog ng puso ko habang pabilis pa ito ng pabilis. Parang may mga nagkakarerahang mga kabayo dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
May mga kulisap sa tiyan ko na parang kinikiliti. Pa rami sila ng parami hanggang sa hindi ko alam kung saan sila nanggaling.

Yakap yakap pa rin ako ni Santillana. Gulat na gulat pa rin ako habang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
Nang makabawi bigla na lang akong kumalas. Natameme ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Nag init ang mga pisngi ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Saka pinindot ang kaliwang tenga. Umiling ako hindi maka paniwala sa mga nangyayari.

Kanina umiiyak lang ako tapos bigla siyang lumapit sa akin at bigla niya rin akong nilagay sa mga bisig niya upang yakapin.

Tinignan ko siya, nagtataka naman siyang nakatingin sa akin. Hanggang ngayon nanunoot pa rin iyong pabango niyang naamoy ko.

Damn, bakit ang bango niya?

Tumikhim ako upang magsalita. "I-im sorry." pabulong kong saad. Umatras ako, dahan dahan at saka biglang lumakad ng palayo.

Halatang nagulat pa rin sa nangyari. Nang makabawi bigla siyang sumigaw kahit medyo malayo na ako sa kanya pero rinig na rinig ko pa rin.

"Wait, Jeystiel."

Hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang akong naglalakad.

"Damn." malutong niyang mura. "Fuck." Lakad takbo na ang ginawa ko.

Nang makahabol bigla na lang niya akong hinawakan sa braso at iniharap sa kanya.

"What?" sigaw ko sa kanya.

Napatigil siya dahil sa sigaw ko, napakurap siya ng dalawang beses.

"Why are you running away?" mahinahon niyang tanong.

"A-ayokong nalalapit sayo." saad ko saka hinaklit ang braso ko sa kanya tapos nagpatuloy ulit na maglakad.

"Jeystiel." saad niya ulit habang nakasunod pa rin sakin.

The way he said my name. Damn, it makes me tinggle. Nakakapang hina.

"Fuck....Stop running away, please!" he begged.

Pero, hindi ko pa rin siya pinansin.

"Jeystiel." sigaw niya ulit. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao sa hallway. Mukhang gumagana ang pagsisisigaw ni Santillana.

Tsk. Halatang gumagawa kami ng eksena.

"Go away, Santillana." saad ko hindi pa rin tumitingin sa kanya.

At dahil, mahahaba ang bias niya kaysa sakin nahahabol niya pa rin ako.

"Why do you hate me?" saad niya. Hindi pa rin ako tinatantanan.

"Because you are a Santillana." saad ko.

"It's just because I'm a Santillana that's why you hate me,huh?" saad niya. "Give me a damn fucking reason." naiinis niyang saad.

May damn na nga may fucking pa. Hindi talaga nauubusan ng mura itong lalaking ito.

Nang hindi ako umimik, hinaklit niya ulit ako sa braso. "Ano ba!!" angal ko sa kanya.

Napatigil kami sa may gilid ng locker room. May mga taong napapatingin pa rin sa amin pero mukhang wala namang paki alam itong kasama ko.

Matalim ko siyang tinitigan "Leave me alone, will you." pangahas kong saad.

"Why?" saad niya. "Why do you hate me?" dagdag niya pa.

Tinitigan ko siya sa mata. "No reasons" panggagaya ko sa sinabi niya noong nasa rooftop kami saka ko tinanggal ang braso niya sa akin at iniwan siya doong nag iisa.

Made For You Where stories live. Discover now