Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa ginawa ng lalaking iyon. O may kailangan ba talaga akong ireact?
Araw araw akong pinagtitinginan ng mga estudyante dito na tila may krimen akong ginawa. Pati sila Claret at Ivana nagulat din sa ginawa niya.
Tinanong na rin nila ako kung "Close ba kami ni Santillana boy". Agad naman ako umiling doon. Tinitigan lang nila ako, na parang hindi sila naniniwala sa sagot ko. Matapos ng pagtitig nila sa akin. Wala na. Hindi na nila ako ulit kinulit. Parang may alam na sila.
Isang linggo na ang nakalipas simula ng insidenteng iyon sa cafeteria. Isang linggo na rin akong iniirapan at pinagbubulungan ng mga estudyante dito most especially girls. I highly doubt it kung matatapos pa ba ang pang iirap nila sa akin. Naka plaster na ata sa kanilang mga mata na kapag nakita nila ako automatic na mang iirap na sila sakin.
Matapos nung pag pansin sa akin ni Santillana sa cafeteria. Hindi na niya ako ulit kinulit. Parang isang kurap lang ng mata. Hindi na naman niya ako kilala.At dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi ako nakatulog. Na iinis rin ako. Hindi ko alam kung bakit!
Napabuntong hininga na lang ako at pinagkibit balikat. Just what I thought.
He just want my attention.
Alam ko, kung bakit niya nagawa iyon! Dahil sa kadahilanang hindi ko siya napapansin dito sa school. Gusto niya lahat ng tao napapansin siya. Gusto niya lahat ng tao kilala siya.
Because he is the king. The ruler in his own kingdom.
He's one of a freaki'n attention-seeker.
Nagbalik ako sa realidad nang marinig namin ang tunog ng bell hudyat nang pagtatapos ng klase sa hapong ito. Tuwang tuwa ang mga ka klase ko dahil natapos na naman ang klase. Iyong iba pumunta na sa kani-kanilang grupo upang itanong sa mga kaibigan nila kung saan sila pupunta dahil tapos na ang klase. Iyong iba nauna na ring umalis, nagmamadali.
Inaayos ko pa lang ang mga gamit ko, pero lumapit na agad sa akin si Claret, hatak hatak si Ivana. The former smiled at me while the latter role her eyes. I'm used to it, by the way!
Ivana never seems to like my presence anyway. Nagtatiyaga lang siya dahil kay Claret.
"Uuwi ka na?" naka-ngiting tanong sa akin ni Claret habang hawak hawak ang dalawang sabitan ng backpack sa kanyang mga braso. Parang bata talaga.
Tumango lang ako at hindi nag-abala upang tignan siya.
Tumikhim si Ivana para makuha ang atensyon ko. Inangat ko ang ulo ko para tignan si Claret, na nanghahaba na ang nguso at nawala na ang kanyang magandang ngiti.
Napakunot naman ako ng noo. What is it, again? She never like my answer is that it?
Lumipat ang tingin ko kay Ivana. Napataas lang siya ng kilay at nagkibit balikat. Tumingin ulit ako kay Claret na nagkakandahaba pa rin ang nguso.
"What?" I asked.
Ilang minuto pa bago siya sumagot.
"Kasi, may bagong bukas na Ice Cream Parlor doon sa malapit sa tabi ng school. Gusto ko sanang yayain ka namin para samahan mo kami bumili at matikman na rin natin." saad niya pa.
Natigil ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung magre-react ba ako. I told you. I'd never closed to them.
"I don't like sweets." saad ko.
Bahagya silang natigilan ng ilang minuto sa sinabi ko.
"W-we d-dont know." na uutal na saad ni Claret at bahagyang nagulat pa.Napatingin siya kay Ivana na hanggang ngayon wala pa ring imik.
YOU ARE READING
Made For You
Teen Fiction(COMPLETED) "I believe that...there's a person. Who was Made For You." If you think you've heard my story. Trust me---you haven't. -Jeystiel Angelli Marpuri