Happy new year!!!
Sending you hugs and kisses 😘😘😘 Enjoy, Reading!
***
Claret was looking at me weirdly pagpasok ko sa room. "Bat ang saya mo?" she asked bago pa man ako makapag baba ng gamit ko.I did a quick look around and I saw most of my classmate's faces buried in their notes. Huh. Buti na lang may Jestin Thorin ako. He literally saved me from damnation also known as long quizzez.
I shrugged. "Wala. I just feel happy" I answered. Kasi totoo naman, dapat ba kapag masaya ka may palaging rason? Hindi ba pwedeng masaya ka lang.
Pero, may rason naman talaga kung bakit ako masaya. Kaya nga lang, wala akong balak na ipasabi ito kanino man....kahit kila claret na tinuturing ko ng kaibigan.
Nagtaka pa rin siya sa inasta ko habang papunta siya sa pwesto niya. Syempre sino ba naman ang hindi magtataka. Feeling ko nakangiti ako.
No, its not a feeling. Kasi totoong nakangiti ako. Ramdam ko, para maniwala nga ako, kinapa ko pa talaga ang mukha ko kung totoo ba o hindi.
Pero, totoo. I'm smiling. I'm smiling again because of him....
Nakahanap na naman ako ng rason para maging masaya.....ulit!
"Jeys." tawag sakin ng boses na iyon.
Hindi ko na kailangang alamin kung kanino iyon, dahil sa boses pa lang kilalang kilala ko na pati ang paglakad at tindig niya. Lumingon ako sa kanya, habang maikling nakangiti.
Gulat na gulat siya, kitang kita ko sa kanyang reaksyon. Halatang naweweirduhan rin siya.
Why Jaydee?
Nakakapagtaka bang makitang nakangiti ako ulit? Yes.. I'm smiling.
Cause I don't want to be sad anymore.
I'm tired of being sad.
"You're smiling....again!" tila hindi niya makapaniwalang saad. Lalo pa siyang lumapit, hahawakan niya sana ako kaso pinigilan niya ang sariling hawakan ako.
He hesitated.Tila natatakot siya. Natatakot siyang hawakan ulit ako at baka mawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.
"Ngayon..." nahihirapan niyang saad sa sasabihin. "ngayon na naman kita nakitang ganyang ngumiti." tugon niya.
I saw the expression in his eyes.. I saw pain and excitement, and also amusement. Pain, because of what happened...to us. Excitement, because for the first time he saw me smile again. And amusement, kasi hindi siya makapaniwalang nakangiti ako ngayon.
"Yes." panimula ko. "I'm smiling." sagot ko at lalo pang pinalawak ang ngiti.
Ramdam ko ang mga tingin samin ng classmate ko pero wala na akong pakialam. Na weweirduhan siguro sa asta naming dalawa. At kung bakit ako nakangiti.
Para kaming nasa isang teleseryeng pinapanood o sa librong kanilang binabasa.
Ako ang bidang babae at siya ang bidang lalaki. Siya nga ba? Kami nga ba? O pareho lang kaming supporting character ng isang pelikula o libro.
He stared at me. I stared backed at him. Walang nagsalita. Walang umiwas ng tingin. We stood there and silently waiting for each other to speak. Never minding the people around us.
Ilang segundo kaming ganoon, ramdam ko ang paninitig niya...nila. Lalo na si Claret at Ivana. Hinihintay ang susunod naming gagawin. O meron nga ba?
Pero hindi nagtagal iyon, nang may biglang kumabog sa may pintuan.
I saw it. He saw me. He saw us. Kita ko siyang pumasok, pero nang makita kaming dalawa ni Jaydee lumabas rin siya agad, walang salitang kinuha ang bag at saka umalis. Ang mga matang iyon, I never saw that expression before....ngayon lang. Hindi ko masigurado pero, tama ba ang nakita ko. Iwinaksi ko iyon.
YOU ARE READING
Made For You
Teen Fiction(COMPLETED) "I believe that...there's a person. Who was Made For You." If you think you've heard my story. Trust me---you haven't. -Jeystiel Angelli Marpuri