Chapter Twenty-Six

25 1 0
                                    

Matapos akong ihatid ni Jestin sa bahay ay dumiretso agad ako dito sa kwarto. Alam kong wala pa si mommy. Malamang nag-e-enjoy pa lang siya sa company nila Jaydee at iyong Galadriel.

Imbes na dumiretso sa kama upang humiga ay dumiretso ako sa harapan ng nakabukas na balcony sa aking kwarto. Agad na umihip ang malakas na hangin at dumapo ito sa balat ko pumikit ako para damhin at langhapin ang sariwang hanging dulot nito sa akin. I sent shiver down my spines...ng dumapo ang malamig na hangin sa aking balat.

Malalim akong nagbuntong hininga... Tumingala ako sa itaas ng langit, nag hahanap ng bituin, kaso wala akong makita, ang tanging nakikita ko ay ang madilim na kalangitan, wala man lang liwanag na dala nito, na parang pati ang bituin ay tilay natatakot at  nagtatago sa bagyong darating... Na parang pati ito ay nakikisimpatya sa nararamdaman ko...

I remembered how ate and I used to looked at the stars when night fall comes... We loved seeing it together. Naalala ko sa tuwing tinitignan namin ito ay gumagaan ang aming pakiramdam, at lahat ng aming pangarap ay dito namin binubulong.

Pumikit ako... Ibinulong ko sa hangin ang lahat ng hinaing at pangarap ko, na sana maging maayos ang lahat. Na sana walang mangyaring masama. At sa pagpikit kung iyon, ang mukha ng taong mahal kong nakangiti ang sumilay doon.. Dinadamdam ko ang bawat ngiti at tawa niya sa aking imahinasyon.

Ang lalaking mahal ko.... ang nag iisang lalaking bumihag ng puso ko. I admit that he is and still my star.. he gave me light in this situation when I'm so lost and broken... he pushed me to fight again, and to not give up when everythings aren't fine anymore... And I wish mananatili siya sa tabi ko kahit na anong mangyari.

Napamulat ako ng nakarinig ako ng isang tikhim sa likod ko pinuputol ang tahimik kong pag iisip, tumingin ako sa lalaking una kong minahal, una kong ginusto, una kong pinangarap. I loved this man, I'll look up to him...at kahit madilim dito sa kwarto ko ay kitang kita ko ang kanyang kulay itim at bilugang mata na nakadirekta sa akin ang tingin, nakikinita ko rin ang maamo niyang mukha...and he aged a bit. Dahil siguro sa stress sa trabaho kaya siya medyo tumatanda sa paningin ko.

Hindi ako nagsalita.. Tahimik niya akong dinaluhan sa tabi habang tumingala rin sa itaas, tinitignan ang malawak na kalangitan. I love how we both peacefully looking at the night sky up above.. Ilang minuto pa kaming ganoon at walang bumasag sa katahimikan. Pinapakiramdaman ang isa't isa, binubulong sa hangin ang hinaing at nararamdaman. I hope we can stay like this forever...

"How are you?" siya ang unang bumasag sa katahimikan at iyon agad ang unang tinanong.

Hindi ako tumingin sa kanya...at alam ko rin namang hindi siya nakatingin sa akin.. nakikita ko sa gilid ng aking mata, na may bumabagabag sa kanya. Ramdam ko ang lalim at buntong hininga niya.

"I'm fine, daddy." malamyos na boses na saad ko sa kanya at hindi pa rin tumitingin..

Tumingin siya sa akin..bumaling ako sa kanya, malungkot siyang ngumiti sa sinabi ko. Umihip ulit ang malakas na hangin at ginulo nito ang buhok ko, inayos niya ang nagulo kong buhok at saka nilagay niya sa tenga ko.

"You've grown a lot." tipid siyang ngumiti...tinititigan ko lang siya at hindi sumagot sa sinabi niya. "you're still my princess tho.."

I know, daddy! I know..I'm still your princess and nothing can change that..Bumaling siya sa kalangitan matapos sabihin iyon... nakatingin lang ako sa kanya.

"Naalala ko ang dati..." panimula niya, nakikinig lang ako sa kanya. "Naaalala ko kung paano kita alagaan noong bata ka, ni isang dapo lang ng lamok sayo ay hindi ko hinahayaan." marahan siyang humalakhak dahil sa sinabi.

Hindi ako tumawa, tahimik lang akong nakikinig sa kanya..dinadama ang tahimik na gabi.

"Bata ka pa lang, pinapanood na kita sa malayo. Iniisip ko kung paano kita palalakihin ng mabuti at maayos. Kung paano ko ibibigay ang tama at nararapat na pagmamahal, kung paano kita itatago at huwag masaktan sa malupit na mundo."

Made For You Where stories live. Discover now