It's been a while, I miss writing Jeystiel PoV, so here it is.
*****
Sa gabing iyon ay hindi ako nakatulog.Tahimik kong pinagmamasdan ang loob ng madilim kung kwarto, nakatingala sa kisame. Tulala habang malalim na nag iisip kung totoo ba ang nakita kanina o namamalikmata lang ako.
Sa ilalim nang gabi tanging ang maliwanag na buwan lang ang naging ilaw ko. The night was so cold, dark and mysterious... Umihip ang malakas na hangin at bumalot sa kadiliman ng aking kwarto. Nanindig ang balahibo ko dahil sa lamig nito.
Hinila ko pa lalo ang kumot sa aking tabi para ibalot sa aking katawan. Biglang sumarado ang pintuan sa aking kwarto dahil sa malakas na hanging dala ng gabi. Ang mga kurtina ay sumasayaw... Tumutunog ang chimes na nakasabit sa aking dingding..
Napabuntong hininga ako..umupo sa kama at dumekwatro. Kinuha ang bagong phone dahil nawala ang dati kong cellphone na hanggang ngayon ay hindi ko alam kung saan ko pa rin nawala...at saka tinitigan ito.
I want to call Jaydee...
Hindi ata ako mapapanatag hanggang sa hindi ko nasasabi sa kanya. Pero, maniniwala kaya siya? At saka imposible, pero kasi nakita ko... Nakita ng dalawang mata ko.
Napabuntong hininga ulit ako... Nakailang buntong hininga na ako bago nagpasyang, tawagan siya at sabihin ang nakita ko.
Kinakagat kagat ko ang kuko ko, habang nagriring ang kanyang phone. Kinakabahan man habang tinitignan ang phone kong tinatawagan si Jaydee ay hindi alintana ang pamamawis sa aking noo. Baka tulog na ito... Naistorbo ko pa ata siya? Sa bagay anong oras naman na nang gabi. Bakit kasi ngayon ko pa naisipan na tawagan siya? Papatayin ko na sana ang tawag ng bigla niya itong sinagot.
Malalim na buntong hininga muna ang narinig ko bago ko narinig ang husky at baritonong boses niya..
"Hello." saad niya sa malalim na boses.
I bit my lip when I heard his voice.. Tahimik sa kabilang linya...wala kang maririnig na kahit ano kundi ang tanging buntong hininga niya lang..
"Jeystiel." saad niya sa pangalan ko.
Napapikit ako, nanginginig ang aking kamay at labi... Tama ba ang desisyon ko para sabihin sa kanya ito? Nababalutan ako ng takot... Paano kung mali pala ako ng nakita.. Paano kung namalikmata lang ako. But then, I remember her beautiful face..
Tila'y nag flashback ang maamo niyang mukha sa aking isip... Those soft and beautiful eyes, pinkish lips, matangos at maliit na ilong, mahahabang pilikmata just like my sister,perpektong pagkakahulma ng kanyang mukha...
Iyon ang mahirap kalimutan sa aking isipan...kasi sino nga ba makakalimot sa ganoong klaseng mukha? All my life, I've been living with her.. Tila'y nanalamin lang ako.
"Jeystiel, are you still there?" Tilay nagising ako sa isang bangungot ng marinig ko ang boses ni Jaydee na nagsalita sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako, iniisip kung tama bang desisyon ito para sabihin sa kanya? At saka sa phone ba namin talaga pag uusapan? Pero si Jaydee lang ang pinagkakatiwalaan ako...alam kung mahirap paniwalaan pero nananalangin pa rin ako na maniwala siya sa akin. Kaso pati rin ako ay hindi sigurado...
Bahala na, andito na ako kausap ko na siya kaya sasabihin ko na. Pero ano nga ba ang sasabihin ko? Na nakita ko ang mukha ng kapatid ko sa ibang tao? Pero paano kung malalaman na ibang tao iyon... At saka imposibleng ang kapatid ko iyon...dahil nakita ko siyang pinatay...sa harap ko.
Bumuntong hininga ako. "Jaydee." panimulang saad ko. "I-I." nauutal utal kung sabi.
Tahimik lang siyang nakikinig sa kabilang linya. "You what, Jeystiel?" Tila'y inis na niyang saad.
YOU ARE READING
Made For You
Novela Juvenil(COMPLETED) "I believe that...there's a person. Who was Made For You." If you think you've heard my story. Trust me---you haven't. -Jeystiel Angelli Marpuri