Tahimik lang ako habang naglalakad dito sa hallway papunta sa cafeteria.. Halatang malalim ang iniisip ko at wala akong balak makipag tsismisan kila Claret at Ivana sa tabi ko kung ano man ang pinag uusapan nila.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang nangyayari nitong mga nakaraang araw, saan nga ba ito nag simula?
"Jeys." sigaw ni Claret saka niya ako hinila para hindi matamaan ng bola na nanggaling sa kung saan.
Gulat na gulat naman ako dahil sa nangyari, hindi makapaniwalang muntik na akong tamaan ng bola at hindi ko man lang alam, mula sa mga naglalaro ng soccer galing sa open field. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Hindi makagalaw dahil sa gulat. Parang nagising ako sa bangongot at ngayon lang napunta sa realidad.
"Sorry, miss. Hindi ko sinasadya." saad noong lalaki at saka kinuha na ang bola. Yumuko pa ulit ito at nag sorry bago umalis.
"Okay ka lang?" hindi mawawala ang tono ni Claret na nag aalala.
"Duh! Muntik na siyang tamaan ng bola..and you asked if she is okay?" sarkastikong saad ni Ivana kay Claret..pero hindi naman pinansin nito ng huli.
Dahan dahan akong, nagugulat pa rin saka sumagot. "O-oo." saad ko at nagbuntong hininga.
Tinitigan ako ni Claret..ilang minuto pa ganoon. Bago tumango at nagbuntong hininga. Pinagpatuloy namin ang paglalakad na para bang walang nangyari kanina. Hindi na sila nagtsitsismisan ngayon at pinapanood na lang nila ako. Ramdam ko sa mga tingin nila.
"Jeystiel." saad ni Claret pero pinutol siya ni Ivana. "Let her be." Hindi na ulit ito nag salita at tumahimik na lang. Nagpapasalamat naman ako dahil hindi na sila nangulit pa para tanungin kung anong bumabagabag sa akin. Kasi kung tatanungin nila ako anong isasagot ko. Naguguluhan pa ako sa mga bagay bagay.
Pagkarating namin sa cafeteria ay walang gaanong tao, mabuti na lang. Gusto ko ng katahimikan at walang mang istorbo sakin habang kumakain akk ngayon. Kahit ngayon lang gusto ko muna ng kapayaan sa buhay ko.
Sinabi ni Claret na siya na lang ang mag order ng kakainin namin, agaran naman kaming tumango ni Ivana at hinayaan na lang siya, wala rin naman ako sa mood para makipagtalo pa kaya sa huli ay pumayag na kami.
Tahimik lang akong nakatingin sa labas habang may malalim na iniisip, sa tabi ng bintana kaming umupo kaya madali kong natatanaw ang mga taong naglalakad. Wala na rin namang nagawa sila Claret at Ivana sa pinili kong pwesto, kaya pumayag na rin ang dalawa at isa pa maganda dito, walang masyadong makakakuha ng atensyon namin at saka tahimik.
My mind is in chaos...maraming bumabagabag sa akin na bagay bagay. At gusto ko na lang matapos kung ano mang gumugulo sa isipan ko kasi, kada gabi ay nahihirapan akong matulog dahil dito. Overthinking will kills me...
Napabuntong hininga ako at napakunot sa noo, ramdam ko ang titig ni Ivana sakin habang malalim pa rin ang inisip ko at tahimik lang naman siya, hindi siya nag tanong. Pero alam kong pinagmamasdan niya ako. Ilang minuto pa ang lumipas na ganoon ang posisyon namin ng dumating na si Claret dala dala ang order namin at ka sunod niya ay iyong isa sa tagasilbi sa mga orders sa cafeteria...Nilapag nila ang order at tinitigan ko lang ito hanggang sa matapos nilang lahat ito na ilapag.
Umupo na si Claret sa kanyang upuan, wala pa rin kaming imikang tatlo hanggang sa nagpasya na kaming simulang kumain at tahimik pa rin kami. Hindi ko pa rin sila tinitignan habang kumakain pero ramdam ko ang dalawang pares ng mga matang nakatingin sa akin.
"What?" saad ko ng hindi nakatingin at makalipas ang ilang minuto ay hindi pa rin nila ako nilulubayan ng titig.
Bumuntong hininga silang pareho.. "You're not your usual self." unang bungad ni Claret.
YOU ARE READING
Made For You
Novela Juvenil(COMPLETED) "I believe that...there's a person. Who was Made For You." If you think you've heard my story. Trust me---you haven't. -Jeystiel Angelli Marpuri